Chapter 5

32 4 6
                                    

Kazzandra

Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto ni Doc Shaun at hindi ko alam bakit hindi pa kaagad ako pumapasok sa loob. Parang kinakabahan ako ng hindi ko malaman kaya nandito pa rin ako sa labas ng kwarto niya. Nagiisip kung papasok ba ako o hindi.

"Kazzandra, anuba? Magpapasalamat ka lang naman. Bakit ka kinakabahan diyan?" Bulong ko sa sarili ko.

"Kaya mo yan Kazzandra, magpapasalamat ka lang naman." Pangungumbinsi ko sa sarili ko para pumasok na sa loob ng kwarto.

Hindi ko na alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob at kumatok muna ako sa kwarto niya bago ako pumasok.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin si Doc Ryan na mukhang binabantayan si Doc Leaño na wala pa ring malay.

"Hi there Ms. Estrada." Bati niya sa akin at ngumiti.

"I guess babalik nalang ako mamaya." Sambit ko kay Doc Ryan bago ako tumalikod para lumabas pero pinipigilan niya ako.

"Do you need anything from me or Doc Shaun, Miss Estrada?" Tanong niya sa akin.

"Magpapasalamat sana ako kay Doc Leaño pero hindi pa naman siya gising so babalik nalang ako mamaya." Sagot ko naman sa kanya.

"You can stay here Kazzandra."

Bago pa ako sumagot ay nakarinig kami ng mahinang daing mula sa kama. Kaya naman napalingon kami parehas ni Doc Ryan at nakita namin na pagising na nga si Doc Leaño.

Lumapit kami sa kanya at noong nagising siya ay sa akin siya unang tumingin at ngumiti sa akin. Hindi ko alam gagawin ko kaya ngumiti nalang din ako.

"Am I in heaven already? Because I can see a beautiful angel in front of me."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin sa sinabi niya. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Alam ko na kaagad na namumula na yung pisngi ko sa sinabi niya.

Kazzandra! Ikalma mo yang puso mo. Baka epekto lang yan ng pain killers niya.

Natahimik kaming dalawa at nagkatinginan lang sa mga mata ng isa't-isa. Hindi pa rin nawawala ang napakaganda niyang ngiti sa mga labi habang ako naman ay hindi malaman ang gagawin at mararamdaman.

Humalakhak naman ng tawa si Doc Ryan kaya naputol ang pagtitinginan namin ni Doc Leaño at napatingin naman siya kay Doc Ryan.

"Bobo, wala ka pa sa langit. Si Kazzandra lang yang nasa harap mo. Tanga nito." Pangaasar ni Doc Ryan kay Doc Leaño.

"Shit!" Napatakip nalang ng mukha sa hiya si Doc Leaño.

Marunong din naman pala siyang mahiya.

"Alam mo kung namatay ka man, hindi ka sa langit mapupunta kundi sa impyerno." Pangaasar pa rin ni Doc Ryan.

"Tumahimik ka dyan, gago." Yun lang ang sagot niya at hindi niya pa rin inalis ang kamay niya sa mukha niya.

Natawa naman ako sa pangaasar ni Doc Ryan kay Doc Leaño. Totoo naman kasi yung sinasabi ni Doc Ryan. May pagka gago rin naman kasi si Doc Leaño.

Mga isang minuto rin siyang ganoon ba siya tumingin sa akin.

"I'm so sorry about that Ms. Estrada."

Nagulat na naman ako sa ginawa niya. Well for starters kasi, una bumanat siya sa akin na parang timang. Pangalawa nagsosorry siya ngayon doon sa ginawa niya. At pangatlo ay grabe siya maka-ngiti sa akin kanina.

"It's okay." Sagot ko naman sa kanya at ngumiti nalang.

"Must be the Morphine's side effects." Nonchalant kong dagdag kahit na sa kaloob-looban ko ay nagpapanic ako ng walang dahilan.

Last First Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon