Chapter 1

52 4 1
                                    

Kazzandra

"Ma'am Kazzandra, hintayin niyo po ako diyan!" Sigaw ni Jaelyn mula sa kwarto ko.

Siya ang personal nurse for three years na. Kumuha kasi sila daddy ng personal nurse simula ng lumagpas sa sampung taon yung sakit ko. Pangamba nila eh baka bigla nalang daw akong atakihin o ano man, lalo na lumagpas nako sa life expectancy ng juvenile Huntington's disease.

"Jaelyn ang kulit mo naman eh, sabing wag mo'kong tatawagin na Ma'am Kazzandra. Kazzandra lang o Kazz ang sabi ko diba." Sigaw ko naman pabalik sa kanya.

Seventeen ako noong nadiagnose ako na may Huntington's at ngayon ay thirty years old na'ko. Hanggang ngayon ito, umaasa pa rin ako sa mga medications ko. Masama siguro akong damo kaya ayaw pa akong kunin ni Lord.

Joke lang baka bigla niya akong kunin. Ayaw ko pang matulog pang habang buhay.

Nandito kasi ako sa may hagdanan ng bahay kaya naman takot na takot itong si Jaelyn. Lalo na mas madalas na akong biglang hindi makagalaw at natutumba. Simula kasi ng lumagpas ang edad ko sa bente siyete ay mas madalas nang lumalabas ang sintomas ng sakit ko.

May pasok kasi ako ngayon at kailangan ko pumunta ng site kaya ayun kailangan kasama ko siya. Para na nga siyang assistant ko at hindi na nurse eh.

Kahit na nagka Huntington's ako nagawa ko pa rin naman maging Civil Engineer kahit na mahirap. Gusto ko talagang maging Architect kaso dahil sa chorea ko na isa sa symptoms ng Huntington's ay mahihirapan lang ko gumawa ng mga designs.

Kaya ending naging Civil Engineer nalang ako atleast malapit lapit pa ng kaunti sa Architecture.

"Sige na po Kazzandra, hintayin niyo po ako diyan." Sagot naman ni Jaelyn.

Panay po at opo itong nurse ko. Nagmumukha akong matanda tuloy. Eh halos magkasing edad nalang kami nitong nurse ko. Yung trenta lang ako pero feeling nasa singkwenta nako dahil sa ginagawa ni Jaelyn.

Nasa kwarto kasi siya para idouble check kung mga naiwan pa ba akong nakabukas na mga gamit o mga nakalimutang dalhin. Naging palyado na rin kasi ang memorya ko dahil sa sakit ko. Kaya lagi na akong nagtetake down notes sa phone ko dahil baka makalimutan ko ang mga trabaho ko.

Tumayo lang ako sa unang step ng hagdanan at hindi gumalaw dahil malamang aatakihin sa puso si Jaelyn pag sinubukang kong bumaba ng hagdan. Lalo na ten months ago ay nahulog ako sa hagdan dahil bigla na namang akong sinumpong habang papababa ako.

Ang ending dalawang buwan akong naka wheelchair at cast dahil sa mga bali na natamo ko. Buti nga hindi ako nabagok sa pagkakahulog ko na iyon.

Sumandal ako sa pader habang hinihintay ko si Jaelyn at pagkalabas naman niya ay bigla akong nakaramdam ng paninigas ng mga binti ko.

"Jaelyn!" Sigaw ko. "Naninigas yung mga binti ko!"

Tumakbo kaagad siya sa akin para mahawakan niya ako para hindi ako mahulog. Pero bago pa siya makarating sa akin ay bumigay na ang mga binti ko at na-out balance nako. Sinubukan ko pang wag mahulog sa hagdan pero mas lalo akong nahulog.

"Ma'am Kazzandra!" Tarantang sigaw ni Jaelyn.

Nagpa dire-diretso ang pag lagapak pababa ng hagdan. Hilong hilo na ako sa pagkahulog ko at ang sakit na ng buong katawan ko. Naramdaman ko rin na may likido na umaagos sa mukha ko.

Narinig ko naman ang natatarantang yabag ng mga paa ni Jaelyn pababa ng hagdan. Sumigaw din ito na humingi ng tulong sa mga tao sa bahay.

"Ja-jaelyn, tu-tulong." Bulong ko habang nanlalabo na ang paningin ko.

Last First Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon