Chapter 2

27 6 0
                                    

Kazzandra

Gaya nga ng sabi ni Doc Zach ay mas naging progressive ang sakit ko. Minsan ay nahihirapan na akong lumunok at minsan ay nabibilaukan pa ako pag kumakain dahil bigla bigla akong nahihirapan na lumunok. Mas dumami na tuloy yung mga iniinon ko ulit na gamot. Meron na akong para sa seizures ko, meron pa ako para sa chorea ko, at lastly itong para sa muscles ko lalo na sa throat muscles.

Ang laman nalang ata ng tiyan at ng mga ugat ko ay puro gamot eh.

Kahit yung appetite ko ay naapektuhan na rin. Kaya ayun medyo bumagsak ang katawan ko at mas pumayat pa ako. Yung sexy ka na pero mas sumexy ka pa ng walang workout ng dahil lang sa sakit.

Baka sa susunod kasing nipis nalang ako ng mga bakal na ginagamit sa site para sa foundation ng building.

Buti nalang talaga at pumayag na ako sa clinical trial na ito dahil feeling kung hindi ay baka namatay nalang ako dahil sa nabulunan ako. Ang pangit naman ng death certificate ko kung ang nakalagay na cause of death doon ay choking.

Buti sana kung sa iba ako na choke!

Joke lang Lord! Baka kunin niyo ako bigla dahil sa sinabi ko.

Ngayon na ang first day ng clinical trial ko at dahil nga hindi pa rin magaling ang mga bali ko ay naka wheelchair pa rin ako. Next month pa kasi itong pwedeng tanggalin. Tulak tulak ako ngayon ni Jaelyn. Naka nurse uniform siya habang semi formal attire naman ang akin.

Ayaw ko man na magpakita doon na nakaganito pero kailangan dahil ngayon nga ang unang araw ng trial.

Nang makarating kami ng van ay binuhat niya ako mula sa wheel chair katulong yung driver namin. Nang maiupo niya ako sa upuan ko ay bumaba ulit siya ng van para naman isakay yung wheelchair ko. Nang maipasok niya iyon sa loob at nakaupo na rin siya sa loob ay umalis na kami.

"Wala ka namang nararamdaman na kakaiba Kazzandra?" Tanong bigla ni Jaelyn habang nasa biyahe kami.

"Wala Jaelyn, okay lang ako." Sagot ko naman sa kanya at umiling pa.

Maya maya habang nasa biyahe ay bigla akong nakaramdam ng gutom. Parang gusto ko ng caramel frappe ng starbucks pati yung donuts nila.

"Nagcecrave ako ng starbucks today, drive thru muna tayo." Request ko bigla kay Jaelyn.

"Bawal na nga sayo ang kape ayan pa ang hinahanap mo." Angal naman ni Jaelyn.

"Sige na Jaelyn, tsaka hindi naman coffee yung gusto ko." Pagpupumilit ko naman sa kanya.

"Okay sige na nga." Pagbigay naman niya sa akin. "Ngayon ka lang ulit nagkagana na kumain."

Bumaling siya sa driver namin.

"Kuya, drive thru tayo ng starbucks."

"Yey! Thanks Nurse Jaelyn!" Sambit ko na parang bata.

"Gusto mong bawiin ko yun Ma'am Kazzandra?" Pag hahamon niya sa akin.

"Oops, sorry na Jaelyn." Ngisi ko sa kanya at nag peace sign.

Umiling at natawa nalang si Jaelyn sa pinaggagawa ko. Talagang sanay na sanay na siya sa pagiging bipolar ko minsan. Hindi ko nga rin alam kung paano niya ako natagalan para alagaan niya.

Nang makarating kami sa drive thru ay sinabi ko kaagad kung ano yung gusto kong kainin at inorder naman iyon ni Jaelyn. Noong nakuha ko yung inorder namin ay masigla ko iyong kinain.

"Kazzandra, dahan dahan lang baka mabilaukan ka na naman." Bilin ni Jaelyn sa akin.

"Yes, nurse. No need to remind me." Asar ko sa kanya habang ngumunguya ako ng donut.

Last First Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon