Chapter 17

649 22 0
                                    

His job


"Do you have a gun?"

He immediately turned to me and gave me a confused look nang bigla ko 'yung itanong sa kalagitnaan ng panonood namin ng movie. I almost laughed when I saw his reaction, but I stopped myself.

"Hmm.. why?" He asked back, raising an eyebrow at me. Humalukipkip ako mula sa kinauupuan. Nasa living room kame ngayon at nagmo-movie marathon. Genre: Action. My parents are not around kaya we can watch it here freely.

"I never saw you carry one. E, 'di ba sa movies may dalang guns 'yung mga bodyguards?" I was confused and curious. Sa dami na ng mga napanood naming movies, lahat sila ay may dalang baril. How come I never saw him carry one? Is he a fake?

Kung hindi niya pinakilala ang sarili bilang bodyguard ko, hindi ko maiisip na bodyguard siya, e. Matangkad si Dave, malaki ang katawan at kahit wala siyang tattoos ay nakakatakot parin siya. Noong una ko siyang makita ay halos magtago ako sa ilalim ng dress na suot ni Mama dahil nakakatakot siyang tignan. He looked like a scary villain from a movie. A good looking villain. May baril naman siguro siya diba? Sigurado akong mayroon.

He didn't even smile that time. Makapal ang kaniyang kilay at balbon siya. Moreno rin at may ilang peklat sa kamay niya. Saan niya kaya 'yun nakuha? I tried asking him about his scars but he didn't give me an answer. Well, sabi nga nila "Don't judge a book by its cover." Kung gaano ka nakakatakot ang aura ni Dave. It was the opposite of how he treated me when we got to know each other more. Ang bait niya pala! Sinasakyan niya rin lahat ng trip ko sa buhay. Mapa-manicure o ano man 'yan.

Pero mukhang hindi sa pagkakataong ito.

"Of course I have," He answered, naiiling. Kaagad akong nakaramdam ng excitement nang marinig 'yon. I knew it!

"Can I borrow it?" I gave him a puppy look.

He chuckled and immediately shook his head. Napanguso ako dahil ro'n. Why not? Gusto ko lang naman makita ng malapitan, e. Ibabalik ko naman agad. I swear!

"You can't, and stop giving me that look, Isabella." Babala niya nang makitang masama ang tingin ko sa kaniya. I rolled my eyes and run towards Nana who's preparing our meryenda sa loob ng kitchen.

"Ayaw niya akong pahiramin ng baril, Nana. Ang damot niya!" Reklamo ko. Tumawa si Nana at ginulo ang buhok ko pagkatapos marinig ang reklamo ko tungkol kay Dave. Mas matanda si Nana kay Dave ng ilang taon kaya naman kapag nagagalit ako kay Dave ay sa kaniya ako tumatakbo at humihingi ng resbak, but today... she sided him. Hindi ako natuwa ro'n.

"Bata ka pa, anak. Bawal kang humawak ng gano'n, delikado 'yun. Iba nalang ang hingin mo sa kaniya," Naiiling niyang sabi. Ngumuso ako at pinanood nalang siya sa ginagawa. Pati siya, kinakampihan si Dave. Gusto ko lang namang hiramin kahit saglit, e. Ibabalik ko naman agad!

Ano ba'ng koneksyon ng pagiging bata ko sa baril? I was frustrated.

Minutes later, sumunod si Dave sa loob ng kusina dala ang isang box. Lumapit siya sa 'kin at inabot 'yon ng tahimik. Tumaas ang kilay ko.

"What's this?" I asked. I couldn't see what's inside the box dahil nakabalot ito. Sinubukan ko namang alugin pero hindi naman tumunog kaya lalo akong na-curious. It was a big box na nakabalot sa kulay yellow na wrapper at maliban ro'n ay 'di ko na ito madescribe. Saan niya ba 'to nakuha? Kumunot ang noo ko.

"Open it." He said, giving me a small smile. Hindi ako imimik at tahimik nalang itong binuksan. Medyo nahirapan pa kaya natagalan, pero nang makita ko na ang laman nito ay kaagad na nanlaki ang mata ko.

Safe In Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon