Unedited.
Apology acceptedNasira ang motor niya dahil sa ginawa niya noong gabing 'yun...
Tama. Sobrang gulo ng isip ko na hindi ko na napansin ang nangyari sa motor niya, but I'm sure... I'm sure nasira 'yun dahil sa 'kin. Because he stopped me from entering that van at sa kaparehas na gabi, nawalan rin siya ng trabaho.
Ang lahat ng 'yun ay dahil sa 'kin.
"Isab-- I mean... Elviña."
Tinignan ko si Roy nang lumapit siya sa 'kin. He gave me a small smile at inabot ang junkfood na dala niya.
"Ayaw mo na bang lumangoy?" Tanong niya.
"Maya-maya," I replied bago tanggapin ang pagkaing inaalok niya. I was not in the mood to swim with them lalo na't nalaman ko ang tungkol sa motor ni Rafael. Hindi ko mapigilang isipin 'yon kahit na sinabi ni Rafael na huwag ko na 'yong isipin.
Umupo rin siya sa tabi ko at pinanood ang mga kaibigan niyang magtawanan habang naliligo mula sa malayo. Everyone looked so happy at puros masasayang tawa lang nila ang naririnig sa buong paligid maliban sa malakas na tunog na pagsabog ng tubig sa tuwing tumatalon ang isa sa kanila mula sa lubid na nakatali sa malaking puno na naroon.
"Anong tingin mo kay Rafael?" Napatingin ako sa kaniya nang bigla niya 'yung itanong.
"Huh?" I asked, confused.
Anong tingin ko kay Rafael? Anong klaseng tanong ba 'yun? Ano bang dapat kong isagot sa ganung tanong?
"Wala.. hahaha 'wag ka namang kabahan." He joked.
"Seryoso, wala.. 'Wag mo nalang akong pansinin." Ngumisi siya at kinindatan ako nang makitang hindi ako nasiyahan sa naging sagot niya.
"Ano bang pinagsasabi mo kay Elviña, ha?" Dumating si Mae at pabirong sinuntok si Roy.
"Luh, epal!" Tumayo si Roy at tumakbo palayo sa 'min.
"Tss.. kainis." Mae mumbled bago tumingin sa 'kin.
"Bakit nandito ka? Tara! Let's have some fun." Hinila niya ako patayo at patakbo kaming bumalik sa ilog, patungo sa gawi ng iba pa naming kasamahan na nagkukwentuhan ngayon.
Nang umabot hanggang dibdib namin ang tubig ay binitawan ako ni Mae at natatawang lumangoy papunta sa kung saan. I giggled and followed her silently.
Kung hindi parin ako marunong lumangoy, I would probably be horrified by the thought of her, leaving me all alone. Siguro'y umatras na ako nang umabot sa dibdib ko ang tubig but that's not the case now. My parents taught me how to swim kaya confident akong pumunta kahit sa malalim na parte pa ng ilog.
I smiled. It's all thanks to them.
Agad ring nawala ang ngiti ko nang lumapit sa 'kin si Rafael. Nakaukit sa mukha niya ang pag-aalala at kaagad na tumaas ang kilay ko dahil ro'n.
"What?" Taas kilay kong tanong
"Marunong ka bang lumangoy? Baka malunod ka." Muntik na akong matawa nang marinig 'yon but I stopped myself.
"Yeah, don't worry. I won't drown here." I assured him.
"Hindi nga kasi ako malulunod!" Inirapan ko siya nang makitang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.
"'Wag kang lalayo sa 'kin. Mahirap na," seryoso sabi niya.
"Kaya ko ang sarili ko." I rolled my eyes.
BINABASA MO ANG
Safe In Your Arms
RomanceHave you ever felt like you didn't need anyone to protect you because you think you could do it yourself? Started: 2022 Ended: 2023 Edited title: Safe In Your Arms Unedited title: In love with my handsome bodyguard.