Chapter 8

842 31 15
                                    

Trust


"Gawan mo ng paraan."

I wasn't hoping to hear that from him. I'm the one who needs him to do something.

"I wouldn't be here, telling you this kung may magagawa ako, duh!"

Paano pag nalaman nila ang tungkol sa 'min ni Rafael? I panicked. Malaking problema 'to! Ayaw kong may makaalam!

"What's with the duh?" Kumunot ang noo niya.

My mouth dropped open in disbelief.

"Seriously?" Sa dami ng sinabi ko ay 'yon lang ang napansin niya?

"It's weird, is it thursDUH today?" He joked. Halos umusok ang ilong ko dahil sa narinig.

"What's wrong with you? Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo!" Singhal ko sa kaniya. Mahina siyang natawa nang makitang napipikon na ako.

"Chill, I was just trying to make you laugh. It's funny, right?" Tanong niya. Umaasa pa yatang sasang-ayon ako sa ka-corny-han niya.

Tinignan ko siya ng masama.

"Salamat nalang pero hindi ako tumatanggap ng joke lalo na pag galing sa 'yo. And you know what? Wala kang kwentang kausap." Mag w-walk out na sana ako nang hawakan niya ang braso ko at ihinarap ulit ako sa kaniya.

"Seryoso na..." He bit his lower lip.

Napatingin ako sa mga mata niya pero agad rin akong nag iwas. Binawi ko ang braso mula sa hawak niya at lumayo sa kaniya.

I cleared my throat.

"Gaya nga ng sinabi ko, pumayag na ako at hindi ko na mababago ang isip nila," sabi ko nang makabawi. Saglit kameng natahimik.

Nakatitig lang siya sa 'kin at mukhang binabasa ang laman ng isip ko. Napaiwas ako ng tingin nang makaramdam ng pagka-ilang.

Why is he staring at me like that?

"Before that. Bakit mo ako kinausap ng personal? Someone might see us, you know... Akala ko ba hindi tayo magpapansinan kapag nasa school tayo?" He asked calmly.

Natigilan ako. He's right. I totally forgot about our deal-pero importante naman 'to. Hindi na ako makapaghintay na sabihin sa kaniya kaya hinanap ko agad siya upang ipaalam sa kaniya or else buong araw akong mamomroblema.

Atleast ngayon, dalawa na kameng namomroblema 'di ba? The more the merrier.

"I know, pero hindi na ako makapaghintay..." Napabuntong-hininga ako. Wala namang nakakita sa 'min... Class hours parin naman ngayon kaya okay lang naman, 'di ba?

"No one saw us, chill." He assured me nang mapansing kabado ako.

"Ano'ng gusto mong gawin ko?" Tanong niya kalaunan.

"I don't know..." bagsak ang balikat kong sagot.

I just wanted to talk to him. It helped me calmed down kahit papano.

I heard him sighed dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Pwede mo naman silang tanggihan kung ayaw mo..." mahina ang boses niyang sabi.

"So, anong pinupunto mo?" Taas ang kilay kong tanong sa kaniya.

It's like he's saying that I'm just making things complicated.

"Wala naman akong masamang ibig-sabihin, sinasabi ko lang naman na pwede kang humindi kung ayaw mong pumunta sila sainyo. Hindi ka naman pwedeng mag kunyaring okay ka sa isang bagay kung ayaw mo naman talaga."

Safe In Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon