Chapter 6

878 36 12
                                    

Her worried bodyguard

It's been a week since Rafael became my bodyguard. Naging routine niya na ata ang hintayin ako sa labas ng kwarto ko tuwing umaga and he never stopped doing that.

It looks like no one even suspected him at school dahil never pa naman kameng nagkaron ng interaction. He became famous in an instant and no one would've ever thought that he was my bodyguard.

Bakit niya ba napiling maging bodyguard ko? I don't really understand him.

My parents was too busy to even answer my calls and after a week of trying? I gave up.

Sanay naman na akong ganito sila. Kahit noon pa man ay hindi kaagad sila nakakatawag sa'kin sa tuwing pumupunta sila sa isang business trip.

Nakakalimutan ko lang na wala sila sa paligid dahil kay Dave. Siya naman ang lagi kong kasama noon kaya kahit pa matagal na mawala ang mga magulang ko ay ayos lang sa 'kin.

Things are different now, wala na si Dave.

"Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?
Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal..."

Eva started singing like someone died.

Nasa loob kame ng isang private karaoke room kasama sina Genna at Tristan pati na ang mga kaibigan niya. Nagkayayaan kameng pumunta rito dahil wala kameng klase sa last subject namin. Nang ianunsyo 'yon ni Pres kanina ay kaagad kameng nagtungo rito kasama sila Tristan.

"Saan nagkulang ang aking pagmamahal?
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na?
Ako ang kasama, pero hanap mo siya."

Ngumisi kameng dalawa ni Genna nang magkatinginan at parehas na natawa.

"Eva and her broken heart." Napailing ako.

"At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na 'pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kaniya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niya."

"Sino bang nanakit dito?" Sabay turo ng kaibigan ni Tristan kay Eva.

"Broken kasi," sabi naman ni Genna at mahinang natawa.

"Woah, kapag broken gumaganda ang boses?" Nagtawanan kame. Pasimple naman kameng pinakyuhan ni Eva habang patuloy parin sa pagkanta.

"Ikaw ba Elviña? marunong ka bang kumanta?" Tanong ni Tristan habang pinapanood si Eva.

"Hindi," sagot ko.

"Marunong siyang kumanta," sabat ni Genna. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa narinig. Ngumisi lang siya at kinindatan ako. Nakita ko ang pag ngiti ni Tristan.

"Gusto kong marinig..." Tumingin ulit siya kay Eva.

I didn't like to sing infront of other people. Mabilis kasi akong kabahan and i don't habe the confidence.

"Kantahan mo ako next time," aniya sa mababang boses. Hindi ako sumagot.

Why would Genna say that?! Nakakahiya!

"Next time raw Elvi." Genna smiled like a witch. Sinamaan ko siya ng tingin at hindi na nagsalita.

Si Leon ang sunod na kumanta. Napuno ng tawanan ang buong kwarto nang kantahin niya ang kaniyang "touch by touch" at sinabayan niya pa ito ng sayaw.

Hinila niya patayo si Tristan upang pasayawin. Hindi mawala ang ngiti ko habang nakatingin sakanila. Mukhang hiyang-hiya si Tristan sa ginagawa ng kaibigan niya pero wala siyang nagawa kundi ang makisabay na rin sa kabaliwan nito.

Safe In Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon