Ilog
Hindi ko mapigilang makaramdam ng guilt habang kaharap ang Mama ni Rafael. Everyone was eating their dinner silently and here I am, hindi alam kung paano kikilos sa harap nila.
Rafael loosing his job because of me won't leave my mind. If only i was more careful, kung sana hindi ko sinunod ang damdamin ko, Rafael would still have his job now. E, 'di sana hindi siya mahihirapang gumastos para sa pamilya nila.
May bago na kaya siyang trabaho? Saan kaya siya kumukuha ng perang ginagastos niya sa pang araw-araw nila? Bago matulog ang Mama niya kanina, I saw her taking some medicine na sigurado akong mahal. I'm not sure kung ano ang sakit ng Mama niya pero sigurado akong mahal ang kung ano mang gamot na iniinom niya.
"Are you okay?" Mahinang tanong ni Rafael sa tabi ko. Tinignan ko siya at tumango.
"Bakit hindi ka nagsasalita?" Tanong niya ulit.
"I'm eating. Anong gusto mong gawin ko?" Pabiro ko siyang inirapan.
"Just making sure." Hindi ko siya pinansin at sumubo nalang ng kanin.
"Baka kung ano na yung iniisip mo, e..." Dagdag niya kaya agad na nabalik sa kaniya ang tingin ko.
"Baka bawiin mo yung pag payag sa friendship natin." Natawa ako nang marinig yun.
"Shut up, Rafael." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at naiiling na ipinag patuloy nalang ang pag-kain.
"Mahilig ka ba sa gulay, ija?" Tita Charlotte asked. Tinignan ko siya at agad na ngumiti.
"Actually... Hindi po ako masyadong kumakain ng gulay..." I bit my lower lip.
"Ako rin, kaso, napaka strikto nitong anak ko kaya hindi pwedeng hindi kumain ng gulay." She glanced at Rafael's direction and grinned.
"Kailangan mo yun, Ma," seryosong sagot ni Rafael.
"Oo nga naman Ma, para yun sa health niyo, e," sumabat si Niña.
"At pinagtulungan na nga ako ng dalawa. Elviña, defend me." Natawa ako nang sabihin yun ni Tita Charlotte.
Napuno ng tawanan ang mesa buong dinner. Ang kwento tungkol sa kabataan ni Rafael ay hindi natigil hanggang sa matapos kameng kumain. Napilitan lang kameng matigil sa kwentuhan nang dapuan na ng antok si Tita Charlotte. Pagkatapos siyang ihatid ni Rafael sa kwarto niya, ako naman ang sinamahan ni Rafael sa kwarto niya.
"Hindi ba pwedeng sa guestroom nalang ako? Okay naman ako sa guestroom." Nilingon ko si Rafael nang tumigil kame sa harap ng isang pinto.
"Walang aircon sa guestroom," sagot ni Rafael at binuksan ang pinto ng kwarto.
"E, ikaw? Paano ka?" Tanong ko.
"We'll share a room," he replied casually at hinila ako papasok sa loob ng kwarto at isinara ang pinto nun.
"H-Huh? Bakit? Ayaw ko!" Kabadong sagot ko. Nababaliw na ba siya?! Ano nalang ang iisipin ni Niña kapag nalaman niyang mautulog kame sa iisang kwarto ni Rafael? Although, Rafael announced it earlier at mukhang hindi siya bothered, hindi parin ako kumportable. Napaka insensitive naman ni Rafael!
"Why not? Nahihiya ka ba? Akala ko sanay ka nang kasama ako..." He looked confused.
"Ano nalang ang iisipin ng Mama mo? Ayaw kong makipag-share sa 'yo." I snapped at him.
"Alright. I'll use the guestroom then." Pagsuko niya at dumeretso sa cabinet na nasa kaliwa namin, malapit sa bintana ng kwarto at may kinuhang mga damit ron.
Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Everything looked clean at naka ayos ang lahat at nakalagay sa dapat nitong pag lagyan. Kulay blue ang bedsheet, punda ng unan, kumot at wall ng kwarto niya. Hindi naman halatang mahilig siya sa color blue.
BINABASA MO ANG
Safe In Your Arms
Roman d'amourHave you ever felt like you didn't need anyone to protect you because you think you could do it yourself? Started: 2022 Ended: 2023 Edited title: Safe In Your Arms Unedited title: In love with my handsome bodyguard.