Chapter 26

729 24 6
                                    

Tita Charlotte

"Uy, gising ka na pala!"

Tinitigan ko ang hindi makatingin sa 'kin na si Ate Cherry. Ilang minuto lang ang lumipas mula nang makapag-usap kame ni Niña, dumating siya kasama si Asaki galing sa kung saan.

"Kanina ka pa ba gising? Nagkita na ba kayo ni Rafael?" Sunod-sunod niyang tanong at sunod-sunod naman akong tumango bilang sagot.

"Oh, bakit nandito ka pa sa labas? Iniwan ka ba niya rito?" Kunot noong tanong niya, nakatingin na sa 'kin ngayon at hindi maipinta ang mukha niya.

"Hindi naman, nagpa-iwan ako rito." Pagsisinungaling ko.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na pinagsarhan ako ng gate nung Niña, 'di ba?

Hindi ko alam kung sinasadya niya ba 'yung gawin o nakalimutan niya lang talaga akong papasukin.

"Tara sa 'min, kain tayo." She grabbed my hand and pulled me inside the pink gate na katapat lang ng bahay nila Rafael. Agad namang sumunod sa likod namin ang tahimik na si Asaki, mukhang pagod sa byahe kaya wala nang lakas na magsalita.

Ang malaking space sa harap ng bahay ang bumungad sa 'kin pagkapasok namin sa gate. Sa kaliwang bahagi nito ay may nakadisplay na maliliit na sculpture ng iba't ibang smurf characters at ang kabilang banda naman ay may mga nakaparadang bike, motor at kotse.

"Siya na ba 'yung sinasabi mo?" Sinalubong kame ng isang hindi gano'n katandang babae nang pumasok kame sa main door. Morena siya at maiksi ang kaniyang naka ponytail na buhok. Payat at maganda rin, pero mukhang istrikta. Nakakatakot magkamali dahil pakiramdam ko, masisigawan niya agad ako.

"Oo, Ma," sagot ni Ate Cherry sa kaniya. Nilingon niya ako at sinuri ang suot ko. Nang hindi makuntento, she smelled my hair kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko, gulat sa ginawa niya at hindi alam ang gagawin.

"Ma!" Ate Cherry hissed. Tumawa ang magandang babae at nginitian ako.

"Ang bago mo." I smiled awkwardly when she said that, hindi mapigilan ang pagwawala sa kaloob-looban ko. Hindi pa ako naliligo mula kahapon! Did she really mean it? Or is it her way of telling me na mabaho ako?

A flashback of me and Rafael, hugging each other suddenly came in my mind. My cheeks immediately heated up and I know I'm red as a tomato right now. I can't believe I hugged Rafael earlier. Napuno ng pagsisisi ang buong sistema ko.

Kailangan ko nang maligo!

"Hello po, salamat po," I said politely.

"Elviña, this is my mom. Ma, ito sa Elviña, BFF ko." Pinakilala kame sa isa't isa ni Ate Cherry.

"Hello po ulit, nice to meet you po." I smiled at her and she did the same.

"You can call me Tita Suzy," she said kaya agad akong napatango.

"Kumain ka na ba? Tara, kain tayo. Nagluto ako ng munggo," excited niyang sabi at hinila ako papasok sa loob ng kusina. Hinayaan ko siyang hilain ako papunta ro'n at nang makapasok kame sa loob, agad akong sinalubong ng isang mabangong amoy. Naramdam ko ang panunubig ng bagang ko sa bango nun. I'm hungry!

"Jean, kumuha ka nga ng malamig na tubig. May bisita tayo." Utos niya sa lalakeng nakaupo sa dining table na kumakain ng junk food. Agad naman itong sumunod at lumapit sa isang puting ref at kumuha ng maiinom ro'n, pagkatapos, saglit niya akong tinignan at ngumuso. Kumunot ang noo ko nang mag-iwas na siya ng tingin sa 'kin.

"Bunso namin 'yan. 18 na." Tumawa sa tabi ko si Ate Cherry at hinila ako paupo sa dining table, katabi ko 'yung kapatid niyang si Jean.

Base sa nakita ko nang tumayo siya kanina, he's taller than Ate Cherry, but smaller than Asaki. Sakto lang ang katawan niya at bagay sa kaniya ang buzz cut niyang hairstyle. Magkaparehas sila ng mata ni Ate Cherry, bilog at malaki. Mas matangos ngalang ang ilong niya kay Ate, pero lamang naman sa kaputian si Ate Cherry.

Safe In Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon