Chapter 18

663 32 0
                                    

Resthouse


"Agad-agad?!"

Napanguso si Ate Cherry nang malaman niyang aalis na kame sa condo niya pag-uwi niya. Alanganin akong ngumiti sa kaniya, hindi alam ang sasabihin. Siguro'y hindi niya inaasahang aalis agad kami, e kagabi lang naman kami dumating rito. Kung hindi lang magulo ang sitwasyon ko, I would love to stay here. But Rafael's right. Baka madamay ang pinsan niya sa problema ko. I don't want that to happen.

"Thank you sa lahat, Che. Sana magka-boyfriend ka na," Rafael joked kaya kaagad na napairap si Ate Cherry. Hindi ko rin maintindihan ang mood nitong si Rafael, e. Kanina ang sungit-sungit, tapos, ngayon, ang kulit pagdating sa pinsan niya? Napailing ako. Tahimik ko silang pinanood na mag-asaran. Umuwi saglit si Tristan dahil may kailangan siyang gawin kaya wala siya rito ngayon.

"O, siya. Kapag may kailangan kayo, you can always come here, ha? Ingatan mo si Elviña!" Bilin niya kay Rafael. Ngumiti lang si Rafael at saglit akong tinignan. Kaagad rin siyang nag-iwas ng tingin at nakipag-usap nalang sa pinsan niya.

Madilim na ngayon sa labas. Umuwi kaagad si Ate Cherry nang malaman niyang aalis na kame. Hindi naman masyadong busy sa trabaho niya kaya nakauwi agad siya. Tsaka, nasa malapit lang ang kaniyang trabaho. Pwede lang 'yung lakarin ayon sa kaniya.

"Kumain muna kayo bago kayo umalis. Kailangan ko ng kasamang mag-dinner, ayaw ko nang maging loner 'no!" Kaagad siyang dumeretso sa kusina upang magluto ng dinner kaya naiwan kaming dalawa sa sala ni Rafael. Umalis rin agad siya at sumunod sa pinsan niya, leaving me alone. Napasimangot ako. Iniiwasan niya ba ako?!

Kanina niya pa ako hindi matignan ng maayos, ha? Hindi niya pa sinasagot ang mga tanong ko kanina!

Sumunod ako sa kanila at sinubukang tumulong pero kaagad na inagaw ni Rafael ang pinggan sa kamay ko nang hawakan ko 'yon. Nilingon ko siya at kinuotan ng noo. Takot na takot na makabasag ako ng gamit? Hindi naman ako ganun kabarumbado. Inirapan ko siya nang magtama ang tingin namin. Nagpatay malisya lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Nakakainis!

"Ang init!" Reklamo ni Ate Cherry nang makaramdam ng init.

"Do you need a---

"Oh." Kaagad na inabot ni Rafael sa kaniya ang isang kulay blue na pantali sa buhok. Patakbo pa niya 'yong inabot kaya hindi na ako narinig ni Ate Cherry. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya.

"Thank you, sana mabuhay ka pa ng matagal." Natatawang tinanggap 'yon ni Ate Cherry at tinali na ang mahabang buhok niya.

Bakit pa mabubuhay ng matagal? 'Wag na! Hindi naman mawawalan ng mahalagang tao ang pilipinas! I rolled my eyes. Una, inagawan ako ng pinggan. Ngayon, pati tali? He's really doing it on purpose. Sabihin niya lang kung ayaw niya akong tumulong. Masyado siyang pabida, nakakainis!

Umalis ako ro'n dahil Rafael's really getting into my nerves. Baka masampal ko pa siya kapag nagtagal pa ako doon. Naghintay nalang ako sa kanila ng tahimik sa sala habang nanonood ng TV, pinipilit libangin ang sarili ko.

Maya-maya pa, dumating na si Tristan. Kaagad na ginulo niya ang buhok ko nang pagbuksan ko siya ng pinto at binigyan ako ng matamis na ngiti. Hay, buti pa 'tong si Tristan.

"Are you okay?" He asked. Inabot niya sa 'kin ang plastic na naglalaman ng paboritong inumin ko kaya kaagad akong nakaramdam ng tuwa. Ngumiti ako at mabilis na tumango.

"Thank you!" Umupo kaming dalawa sa sala habang hinihintay silang matapos sa loob ng kusina. Nang matapos sila, kaagad nila kaming inayang kumain.

"I'm Tristan, nice to meet you." Tristan smiled at Ate Cherry.

Safe In Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon