Chapter 34

297 5 2
                                    

Long time no see



From: Art

Birthday ko na next week. Invited ka sa party. Punta ka ah?

I coughed and placed my phone beside me. Kakagising ko palang ngunit wala na agad ako sa mood. I sighed. What's happening to me?


Mabigat ang katawan na nag lakad ako patungong banyo para umihi and there, I confirmed the reason why I woke up so grumpy this morning. I'm on my period.


"Well, at least you're not pregnant," I remembered Asaki's remark everytime na dadatnan ako at mag iiwan 'yon ng stain sa bed sheet ko. Now I feel so emotional looking at my clean bed sheet na hindi na malinis dahil may bakas na ng dugo ko. I sighed, I just changed it last night. Gusto kong mag dabog but it's not anyone's fault.



I bit my lower lip at pinalitan ang bed sheet ng higaan. Pagkatapos, naligo ako at nag agahan na rin. My body hurts pati na rin ang puson ko. Pakiramdam ko'y sinasaksak ako ng paulit-ulit but it's bearable. I think I can go the grocery now.


Naubusan na ako ng pagkain and since class was suspended dahil may paparating na bagyo, I decided to buy something para may stock naman ako ng pagkain and I won't have to go out anymore.




Matapos kong mag bihis ay agad na akong umalis. Makulimlim na sa labas nang umalis ako at nang dumating sa destinasyon ko ay agad nang bumuhos ang malakas na ulan. I sighed in relief habang tinatanaw ang malakas na ulan mula sa loob ng establishment. Mabuti nalang at nakarating ako rito bago pa bumuhos ang malakas na ulan.



"Good morning, Ma'am." One of the staffs greeted me. I smiled and greeted back bago mag simulang mag lagay ng mga pagkaing kailangan ko sa cart na tulak-tulak.



I don't know if it was because of the Aircon plus the weather kaya extra lamig ang nararamdaman ko ngayon. Habang namimili, hindi ko mapigilang manginig kahit pa nakasuot naman na ako ng jacket. For a hundredth time, I sighed at binilisan nalang ang pamimili nang makauwi na.



"That would be 1,328, Ma'am." The cashier said. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot 'yon sa kaniya. Mabilis lang rin akong nakapag grocery. Mag-isa lang naman ako kaya I didn't need to buy lots of foods. Ang nabili ko ngayon ay pang 1 week lang. I want to shop for my foods every 1 week para naman fresh parin ang mga kinakain ko.



Napabuntong-hininga ako. I checked my phone nang mag vibrate ito mula sa loob ng bulsa ko and saw Art's new message. Hindi ba siya busy? Ang dami niya namang oras para i-text ako?



From: Art

umuulan, ingat ka kung nasaan ka man


To: Art

Thanks. Ikaw rin


I replied back before deciding to buy a new umbrella dahil wala naman akong payong na pag mamay-ari ko. Good thing nagbebenta sila ng ganon rito.


Nang medyo humina na ang ulan ay nag pasya na akong lumabas at pumara ng masasakyan. Wala masyadong dumadaan kaya I had to wait for how many minutes and God I was starting to get so annoyed and wet dahil unti unti nanamang lumalakas ang ulan. I sighed and waited for how many minutes hanggang sa may dumating na nga. Agad na akong sumakay at nang makauwi ay naligo ulit at nag pahinga.


Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang tinutuyo ang buhok. It was still raining when I woke up and my eyes felt so heavy. Ang init ng pakiramdam ko at sobrang sakit ng puson ko. Ibang-iba ang sakit ngayon sa mga sakit na nararamdaman ko from my past menstruation.


Safe In Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon