Chapter 21

592 24 0
                                    

Mad



"Do you want to go somewhere? I know nababagot ka na rito... gusto mo bang lumabas ngayon?"



Hinabol ko ang sariling hininga habang nakatingin sa pintong nakasara sa harap ko. Kung anu-ano na ang naiisip ko at nagp-panic na ako ngunit mas pinili kong pakalmahin ang sarili at intindihin ang mga nangyayari ngayon, pero kahit ano'ng gawin ko, Tristan's voice kept on replaying in my mind.



Take her. Malinaw ang sinabi niya.



Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang paulit-ulit 'yong nagre-replay sa utak ko.



I've always looked up to him. I've always liked him since the first time I saw him. Mabait siya, matalino, gentleman, matilungin sa kapwa, lahat na yata ay na sa kaniya na. Everyone loved Tristan because he was kind to everyone. He rejected every girl that liked him nicely and because of it, umiyak ang mga ito, hindi dahil na-reject sila, kundi, dahil lalo silang nagkagusto sa kaniya sa uri ng pag-reject niya sa kanila.


He was nice to everyone and I admire him for that, but somehow, I felt that he treated me differently. Pakiramdam ko, special ako sa lahat.



He was more gentle with me. He was always there to ask me about how my day went and he was always there to help me whenever I had problems, malaki man 'yun o maliit.



Kung may tao mang tatalikuran ako sa ganitong sitwasyon, hindi ko maiisip na si Tristan ang taong 'yun. Masyado akong humanga at nasanay sa kabaitan niya na siya ang pinaka huling taong pag-iisipan ko ng masama sa ganitong sitwasyon.



I expected him to be the first person to protect me. To help me, because that's what he always did. He always helped me at nasanay ako.



I never thought that such thing would come out from his mouth. Never. That impossible thing never crossed my mind, kaya nang marinig ko ang sinabi niya, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.



I never doubted him kaya sumama ako sa kaniya nang sabihin niyang lalabas kame dahil akala ko, gusto niya lang na mapagaan ang loob ko. Sumama ako sa kaniya dahil alam kong kung may mangyayari mang masama, hindi niya ako pababayaan. He assured me that and I trusted him.




But I never expected him to do this.




Ang laki ng tiwala ko sa kaniya kaya ang sakit sakit rin dahil ganito ang ginawa niya.




Did he planned this all along?



Napunit ang suot kong pang-ibaba nang lumabas ako ng van at sumabit 'to sa pinto no'n. I groaned when I felt a pang of pain in one of my leg, but I ignored it. Wala akong paki-alam sa kung ano mang nasa paligid ko. Gusto ko lang na makausap si Tristan at malaman kung bakit niya 'to ginawa. I want answers. Lumabas ako ng van at napalingon sila sa 'kin dahil ro'n.




"Elviña..." Nilingon ako ni Tristan at kaagad na nakita ko ang gulat sa mukha niya nang mapatingin sa binti kong mahapdi ngayon. I'm sure it's bleeding right now, but I couldn't care less.




Kaagad akong humakbang papalapit sa kaniya, but the guy with a blue eyes immediately stopped me. Kaagad akong nagpumiglas mula sa hawak niya, pero gaya ng kanina ay hindi ko kayang takasan 'yon. He was too strong for me. He was only holding me using his one hand pero hirap na hirap parin akong takasan siya. It was impossible but I tried to move, hoping that I could escape from his strong grip.




"Let me go! Sino ka ba?! Gusto kong makausap si Tristan! Bitawan mo ako!" Napadaing ako nang humigpit ang hawak niya sa braso ko. Kitang-kita ko ang ugat sa kaniyang kamay sa sobrang higpit ng hawak niya sa 'kin.




Safe In Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon