1

918 25 1
                                    

•••

Traffic.

Stuck nanaman ako sa Edsa, male-late na ako sa meeting nila Dad. Marami nanaman siyang sasabihin because I'm late and stuck here! Hindi naman kami magkaaway, malakas lang makipagbasag pinggan ang Tatay ko. I love him with all of my life, along with my Mom na napaka-supportive kahit pasaway ako.

Nightlife is life eh.

Umaga hanggang hapon, siyempre nakatuon sa trabaho.

Wala akong love life... I mean wala na.

Nakipag-break kasi ako dahil hindi pa handa magpakasal. And my ex wanted to take it to the next level, but I wanted to enjoy my youth pa. We broke up in good terms—supposedly, until I found out why it was quick for him to accept the break up.

May tinatago pa lang babae, I found out through my best friend na imbestigador pagdating sa mga ganito. Ilang beses niyang nahuhuli dahil nasa iisang building lang residence nila ng ex ko. And 'yung bagong girl schoolmate niya dati, naging sila before naging kami tapos balita ko magpapakasal na sila today.

Today, oo tama pagkakabasa niyo.

Kita ko mga posts ng kaibigan namin ng ex ko. Nahiya pa ipakita ang mukha ni lalaki, I don't care if they are doing it to respect me because all of my respect for him was gone the moment I found out about his infidelity behind my back. I shouldn't be mad about this because nalaman ko lahat 'yan nung wala na kami, pero puta kasi 2 years siyang nagloloko ng hindi ko alam. 8 years kaming mag-on, sana nakipaghiwalay na lang siya sa akin noon pa.

Masakit parin 'yun.

Siguro may mali rin ako kasi I couldn't give him the wedding he wanted. Dahil hindi pa ako handa, kaya rin ako nakipaghiwalay kasi nape-pressure na tuwing nababanggit or tinatanong ako tungkol sa kasal. With everything that happened, I soon realized na hindi kami ang para isa't isa.

"Putangina ng traffic pati putangina niyong mga manloloko!"

Napapitlag ako when I realized what I did upon slamming the horn button of my steering wheel. Tangina, buti tinted ang kotse ko kasi nakakahiya. Isipin nila na baliw 'yung babaeng nagda-drive.

My phone rang, I answered it. "Daaaad."

He sighed, "Nasaan ka na banda, Anak? Ikaw na lang ang hinihintay dito."

I brushed my hair backwards, "Dad, I... stuck ako sa traffic. Nasa EDSA pa ako. Hindi ata ako makakaabot."

"Hmmm... fine, I'll just cover the meeting for you. Basta sa sunod make sure na makakaabot ka, dahil importante ito."

I smiled and exhaled in relief, "Thanks, Dad! Lifesaver ka talaga! I love you!"

"Hay, papasok ka parin. Sa meeting ka lang mawawala. Sarado pa ang mga bar, baka doon ka naman dumiretso. Mapapalo ka talaga ng Mommy mo." My Dad laughed.

"Hindi, mamayang gabi pa—"

"Ay nako, Dennise!" I winced, sabi ko nga dapat hindi ko na lang sinabi. I can imagine him holding his forehead right now, "Nung isang araw, kagabi tapos mamayang gabi..."

"Dad, I love you. Nagkaayaan po kasi."

"Ang dami mong kaibigan, Anak. Ay siya, basta huwag kang haharap sa amin ng gumegewang pagkauwi mo galing sa inuman na 'yan." Dad said with worry in his voice.

"Yes po, I love you. Thank you, Dad! I'll put this down na." I said and ended the call dahil umaandar na uli ang mga sasakyan.

I reached the building at tama nga ang hinala ko, hindi ako nakaabot sa meeting dahil tapos na sila pagdating ko. I went on and entered my office, placing all of my things down then decided to get some coffee. Hindi ko nakita si Dad dahil pagkatapos ng meeting ay umalis agad 'yun para mag on-site visit kasama ang mga tauhan niya.

While walking, hindi ko namalayan na may bumangga na sa akin until nakita ko ang pagbagsak ng mga dala niya. Infuriated, I step aside and glared at the woman scrambling to get her stuff. Ayaw na ayaw ko ang mga hindi marurunong tumingin sa dinadaanan.

Humarap ako ng nakahalukipkip nang iangat na nung babae ang kanyang ulo. Medyo naawa ako sa itsura niya but I stood my ground, "Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?"

Lumihis siya ng tingin tapos nagkamot ulo saka tumingin sa akin, "Ah, s-sorry pero ikaw po ang hindi tumitingin. Sorry parin."

I slightly gasped, hindi ko gusto ang dating ng babae na 'to. Lumapit ako at tinitigan siya ng mabuti, "Miss Valdez, matalino ka but you are stupid also. Kita mong diretso akong nakatingin, ni hindi ka manlang gumilid."

Nginitian niya ako at hinawakan ng maayos ang dala niya, "Miss Lazaro, sabihin nating nandun na tayo sa diretso ang tingin mo. But didn't you bother turning your head slightly to check if clear talaga ang dadaanan mo?"

Gago 'to, nahuli niya ako doon but I will not make it obvious. I smirked, "Siguro dapat mo rin 'yan itanong sa sarili mo, dahil hindi tayo magkakaharap ngayon kung tumitingin ka ng maayos."

I rolled my eyes and walked past without waiting for her to talk. She's one of the best employees dito sa Company namin. I am honestly shocked with her response, ngayon lang siya sumagot sa akin sa loob ng isang taon niyang pagtatrabaho dito.

I hate her.

Mula nang makapasok siya dito, halos maagaw na niya ang atensyon nila Dad sa ganda ng kanyang trabaho. For one year I've been trying to make her life a living hell but her charms would always get the best of the Management. Napakabait niya at masipag kung tutuusin, and I felt that I am being competed kahit alam kong hindi.

I think I'll hate her a lot more now.

•••

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon