•••
10-13-2021
ALYSSA, GUSTO MO NA BA?
5:30 PM
Alyssa
Anong GC 'to?
Ara
Same old. Binago namin ang pangalan.
Mika
So, ano na nga ba?
Kim
Gusto mo na ba?
Alyssa
Abnormal. Pa'no niyo nasabi?
Maganda naman talaga si Den.
Ara
Para kasing may mas malalim na hugot ang tweet mo. Siyempre mag-iisip kami dahil chismosa rin kami.
Alyssa
Dyan kayo magaling! Hahaha
Walang malisya ang tweet ko sa dump.
Tsaka pwede ba huwag na kayo mag-reply do'n.
Pucha nanggugulat kayo eh.
Mika
Bakit ang very manhid mo?
Pareho kayo ni Den. Pinanganak sa kamanhiran.
Kim
Are you gonna wait for the end of the end
Ara
Kim
Alyssa
Magtigil ka na bwiset
Kim
Halata naman sa kilos mo na may gusto ka na.
Ayaw mo pa umamin or hindi mo pa sigurado?
Minsan ba napapaisip ka sa ginagawa mo?
Sa kung pa'no niyo tratuhin ang isa't isa?
Mika
Aba
Ara
Gago sabay gano'n. HAHAHAHA
Kim
Nagtatanong lang naman ✌
Alyssa
Hindi, wala akong dapat isipin na iba.
Magkaibigan lang kami niyan.
Tsaka imposible magkagusto sa kapwa babae 'yon.
Kung ano man ang nakikita or nababasa niyo sa amin, wala lang 'yon. Mapang-asar lang kaming dalawa. Sweet. Maalaga. Magkaibigan lang.
Wala naman problema do'n.
Kim
Wala 'to, weak!
Alyssa
Maka-weak ka naman sa akin!
Ara
Sama ka sa amin. Inom.
Sagot ko. Hahaha
Baka sakaling mapaamin ka
Alyssa
Wala naman akong aaminin pero sasama ako
HAHAHAHA
Mika
Sa wakas makakasama ka na
Ara
Hay nakooooo HAHAHA
Alyssa
Gano'n na ba katagal last na inom ko kasama kayo?
Walang hiya. Hahahaha
Kim
Okay lang kasi nandyan si Den. Ayie.
Alyssa
Utot
Ara
Sa dating tambayan. Sunduin namin kayo.
Kita kits 🤙
Seen 5:45 PM
•••
