2

613 21 2
                                    

•••

"Nandyan na si Den!"

Sinalubong ko si Ella at Amy na naghihintay sa akin, dahil tapos na ang trabaho ko for the day. Time to spend the whole night drinking naman.

"Sorry, medyo traffic papunta." Ngiting sabi ko at nakipagbeso sa dalawa. I sat on the vacant bar stool and we're facing each other in a round table.

"Besh, ang lakas talaga ng bituka mo." Hindi makapaniwalang sambit ni Amy habang pinanuod akong umiinom ng sunod-sunod, "Kararating mo pa lang."

"Besh, celebrate lang natin ang kasal ng ex ko!" I laughed and put an emphasis on the word ex.

Iinom pa ako uli nang kunin ni Ella ang baso ko, "Besh, tapos naman na kayo nung nalaman natin."

I nodded, "Exactly, 8 years kaming magkarelasyon. At sa last 2 years namin, naging secretly in a relationship siya with his ex." Kinuha ko uli ang shot glass tapos ininom 'yon. "Tapos married na sila kahapon, yey!"

"Den, hindi ka rin naman ready mag-settle down with him. Ikaw ang tumapos sa relasyon niyo—" Ella raised a finger when I was about to speak, "OP! Which is a good thing kasi nung kayo pa, he chose to cheat at gawing reserba si babae in case na hindi kayo magkatuluyan sa simbahan."

"Which is what he exactly did! Ginawang abangers si girl. He's a douche at the end of the day, I wonder how he managed to make her wait." Amy rolled her eyes on the thought. Umiling lang ako at uminom, while agreeing with what they said.

"Yes, a douche. He's a fucker." I laughed kahit sa loob ko medyo masakit parin, pwede naman niya kaming hindi pagsabayin eh. "He chose to be dangerously stupid."

"Besh, iinom na lang natin 'yan! Cheers to freedom!" Ella said and we clunked our glasses before drinking. "Kamusta pala? Hindi ka pa ba nasasampolan nila Tito?"

I shook my head, "Nagrereklamo lang dahil lagi akong napunta sa ganitong lugar. Ewan ko, naging safe haven ko na after a stressful day and life."

"Tangina, pagdadasal ko na lang na hindi ka maospital kakainom mo." Amy quipped, "Ito si Ella naging Supervisor na sa pinagtatrabahuan pero wala parin lovelife."

Natawa ako dun, forever na atang single si Ella. Hindi ko alam eh, walang balak maghanap si bruha. "Third wheel na lang, besh?" Tanong ko at nasalubungan ng hampas sa braso.

"Si Amy pa-travel goals na lang, malapit na maikot ang buong world. Iba talaga pag mayaman!" Asar ni Ella at siniko si Amy. Totoo, mahilig mag-travel kung saan-saan si Kiwi. Minsan nga naiinggit kami sa mga post niyan, sana lahat may time.

"Sira, kahit kayo rin kaya naman magpasyal sa labas ah? Mas masaya nga siguro magiging trips ko pag kasama kayo." Buwelta ni Amy and we felt touched, lagi niya kaming inaaya kaso isang beses pa lang kami lumabas ng bansa, 2 years ago pa ata 'yun at sa Japan kami nagpunta.

"Maiba nga tayo. Den, kamusta naman 'yung sinasabi mong kakumpitensya mo sa Company? Si Alyssa Valdez?" Tanong ni Ella. Huminga ako ng malalim nang marinig ang pangalan, kaya rin ako desidido makipag-inuman dahil kanina ay puring-puri ulit siya sa harap ng Management.

I placed both hands on the table and held on to my shot glass, "Ayun." Umirap ako saka uminom. Ella and Amy waited for me to continue, "Napuri nanaman siya, si future Vice President!"

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon