55 [Epistolary]

544 23 4
                                    

•••

10-15-2021

Kim Fajardo

8:20 PM

Alyssa
There is something I want to talk about.

Kim
Wala manlang hi or hello dyan? Seryoso agad?

Alyssa
Tangina mo, seryoso kasi 'to.

Kim
Bakit parang nag-aalala ka or kinakabahan? Gaano ba kaseryoso 'yan?

Alyssa
Dennise.

Kim
Oh...

So, ano na ba ang lagay?

Alyssa
Hindi ko maipaliwanag, Kim.

Kim
Shuta, ayan na 'yon? Eto na ba ang pinakahinihintay ng lahat?

Alyssa
I can't tell.

Kim
My mind is telling me that you like her.

Tiklop ka na 'no?

Come on, be honest this time.

Alyssa
Kim.

Kim
Ano ba 'yon?

Alyssa
Nang-asar si Denden sa tawag na baka may paghanga ako sa kanya.

Kim
What? Ginanun ka niya? Hahaha!

Alyssa
Asar lang 'yon sa kanya.

Sabi ko, ano naman kung meron?

HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KO NASABI 'YON.

She chose to pry on me because of what I said. Bigla akong nataranta for whatever reason. I denied and denied at pinatayan siya ng tawag. I never panicked on such matter before.

Hell, I never thought about this.

Kim
The truth is out there and it is super obvious.

Alyssa
Do you think so?

Kim
May pumipigil ba sa'yo?

Alyssa
She's not into same sex.

Kim
Tapos?

Alyssa
Mahal niya si LA.

Kim
Ly, wala na sila. Matagal na.

O sige, mahal niya pa rin pero malabo na sila magbalikan dahil may pamilya na ang tao. Tsaka unti-unti na nagmo-move forward si Den, nile-let go niya ang kung anong meron sa kanila dati.

Alyssa
Do'n nga ako natatakot, Kim.

Sabi niya kasi kanina, haharapin niya si LA ng panghuling beses para tuldukin ang lahat. Kaso paano kung sa pag-uusap na 'yon, ma-realize nila na gusto pa pala nilang sumubok ulit? Na gusto pa pala nila magbalikan?

Paano 'yon, Kim?

Kim
About her talk with LA, what happens honestly depends on them both but don't fret about it too much for now. Maraming pwede mangyari, and I'm sure hinahanda na ni Den ang sarili niya dyan.

You like her, Ly.

Alyssa
Maybe.

Kim
Hindi 'yan "maybe". Gusto mo talaga siya.

Grabe Ly, took you that long to realize.

Alyssa
Oo na. Oo na.

Hindi ko namalayan na pwede pala.

Hindi ko naman kasi iniisip o pinapansin eh. Hanggang sa kanina, para akong hindi mapakali. Hanggang ngayon nga, hindi ako mapalagay.

Kim
Oo, pwede 'yon.

Most of the time people wouldn't notice until somebody points it out to them. Of course, indenial pa 'yan sa una like how you've been acting.

Hanggang sa isang araw, magfa-flash na lang sa harapan mo na "totoo nga, meron pala."

Alyssa
Hahahahahaha.

Ang clueless ko masyado, Kim.

Mali.

Manhid pala.

Kim, ang saya ko bigla.

Nabunotan ako ng malaking tinik.

But there's one problem and that is how to tell and face my feelings, sa harapan niya mismo.

Kim
Gradual, Ly.

You don't have to rush yourself in saying it.

Lakas ng loob.

Tas willing ka tanggapin ang response niya sa'yo.

Mahalaga dyan, nasabi mo.

Alyssa
Thank you, Kim.

Kahit ang gaga mo minsan.

Hindi ko alam ang gagawin kapag wala ka or kayo.

Kim
Ano ka ba, walang problema basta tunay na kaibigan!

Nandito lang kami parati kahit anong mangyari.

Good luck! 👊

Alyssa
Kim.

I might as well lay all of my cards.

Malay natin, 'di ba?

So... it's Den or nothing.

So yeah, good luck talaga sa akin. 😅

Kim
Yown! Fighting spirit, 'yan ang gusto ko sa'yo!

Alyssa
Sira ulo! Hahahaha.
Seen 8:35 PM

•••

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon