•••
Halos mahirapan akong dumaan sa pagitan ng mga tao dito sa bar na pinuntahan namin nila Ella. The music is loud and almost everybody is moving around with drinks on their hand. Ang iba nandoon sa dance floor at sumasayaw na parang walang bukas.
After many weeks ay makakapagwalwal na uli kami.
"Muntik na ako hindi makatawid." Ella irritatingly said, "Ang hirap maging maliit!"
"Buti na lang asa likod ako." Amy laughed.
"Finally! Makakainom ulit." I exclaimed before we all took a shot. "Mika mentioned last usap namin na pupunta rin sila dito."
"Oo! Kaso mukhang mamaya pa natin makikita, ang daming tao eh." Sambit ni Ella, "Kamusta na pala?"
"Ang trabaho? Steady naman ang progress. Nakakabwisit pa rin katrabaho si Valdez." I answered with frustration when I mentioned her last name. Nagtaka naman ako sa dalawa dahil tumatawa sila, "What's funny?"
"Besh, kalagitnaan na ng April at mainit pa din ulo mo sa kanya." Amy shakes her head while laughing.
"Nawawala naman ang init ng ulo pag nakikitang nakabakat ang tiyan. Diba, besh?" Ella teased and I had to widen my eyes on that. Mula nang ikwento ko nangyari sa swimming ay hindi na nila ako tinigilan. "Oh my gosh, namumula ka!"
I blinked while looking flabbergasted, "What? What? No!" I took a shot and shook my head, "Stop bringing that up. Ugh!"
I hated myself for letting my eyes fall on her stomach everytime since then. I don't like how the sight of it shakes up my whole system when it happens unintentionally! Furthermore, I can't deny how it makes her attractive, physically. Lalo akong nayayamot sa kanya, ang problema pa ro'n parati na kami magkasabay pumasok at umuwi.
"Oh, they are here!" Amy points towards the crowd.
I smiled when we saw Mika, Ara and Kim moving closer. Kumaway sila sa amin at gano'n rin kami sa kanila. Our table is large enough to have more people seated kaya dito na namin sila pinapunta.
Nanlaki naman ang mata ko sa sumunod sa likod nila.
"Babe! Nandito rin pala kayo!" Masiglang bati ni bwiset! How can I forget na kaibigan rin 'to nila Kim. Tumabi pa sa akin si loko, "Babe, ang aga mo naman uminom ng marami!"
"Babe talaga." Natatawang asar nila Amy at ako naman ay napadasal na lang sa isipan.
"Malakas ang bituka ko, okay?" Pagtataray ko at uminom. Umirap akong tumingin sa kanya, "I can't believe you. Hay nako!"
"Lalo kayong nagiging bagay, Den. Tuloy niyo lang." Kim giddily teased and formed a finger heart.
"Huwag kang mag-alala, damihan mo lang pag-inom mo dahil nakabantay lang ako dito." Alyssa grinned before waving at the waiter with a tray on his hand, ayun siguro ang mga iinumin nilang apat.
"Sana all may bantay!" Asar ni Ella. Kinikilig pa rin sila sa amin. Jusko, masuka-suka na ako dito sa katabi ko.
While drinking, I wasn't able to rescue myself from them teasing the two of us. Alyssa seemed to be enjoying and even put an arm around my shoulder. Hindi ko na lang tinanggal dahil makulit rin ang bwiset na 'to.