46 [Epistolary]

409 16 5
                                        

•••

10-10-2021

Ara Galang

2:20 PM

Ara
Baldo, nabalitaan ko 'yung nangyari kagabi. Ayos ba si Den?

Alyssa
Ay, 'yung sa ex niya na asa bar rin kagabi? Nagulat nga kami no'n. Okay naman na si Den ngayon.

Ara
Ikaw ha.

Alyssa
Ano naman ngayon? Ayan nanaman kayo. 🤣

Ara
Mula nang magkaayos kayo ni Den napapadalas pagsama niyo.

Sweet na sweet pa raw kayo kagabi sabi nila Ella.

Ano na ba tawag dyan? 🤔

Alyssa
Masama ba maging sweet sa kaibigan?

Tsaka nag-aasaran lang kami sa inuman kagabi.

Ara
Oy, Baldo, nagkakaroon ka na nga bigla ng time para sa isang tao.

May time ka naman lagi pero iba ka pagdating sa kanya.

Naalala ko may time na nag-chat ka bigla sa GC natin na nagro-road trip ka with Den at 2 AM?! Tapos nag-send ka ng picture, ang saya niyo parehas. Nakikita ko sa mga mata niyo.

Tsaka sobrang alaga mo kay Den, hindi mo ba napapansin?

Pati sa pagkain niya, kahit tinuturuan mo na, dinadalhan mo pa rin ng luto mo sa trabaho.

Mga kilala natin na nakakakita sa inyo tuwing lalabas, akala ay magjowa kayo.

Pag nakakausap namin si Den ngayon, ang saya ng boses niya, dati ang intimidating niyan.

Sa mga recent pictures ninyong dalawa, iba na ang bloom ng mukha niya.

She's happy, her smile is different now.

Friends yarn?

Alyssa
I'm helping her become happy again, Ara.

Ara
Nako. Nako. Nako.

Alyssa
We are good friends, Ara.

I promised Den wayback na tutulungan ko siya. Ngayon nakikita ko na ang kinalabasan, but that's it.

Hindi porket clingy, maalaga, at malapit ako sa kanya ay magkakagusto na kami isa't isa.

And she's straight, napakaimposible ng iniisip niyo.

Ara
Ah, so hindi totoo na uncomfortable ka kagabi habang nakikipag-usap ang ex ni Den sa kanya?

Again, sila Ella nagsabi.

Alyssa
Uncomfortable ako for Den.

Alam mo kasi 'yung na-confront na siya ni Den 2 months ago tas biglang magpapakita sa bar at hihilinging mag-usap sila ulit?

Hindi ko alam kung nakalimutan niyang may asawa na siya tapos buntis pa.

If he wanted to say something, he should have said it all when they last met.

Hindi 'yung magtitira ka pa ng sikreto.

Magugulo kasi ang tao pag gano'n.

Kanina ngang umaga pinapunta ako ni Den sa bahay dahil nabo-bother siya sa kagustuhan ng ex niyang mag-usap sila ulit.

I don't want her to feel bothered, uneasy, and paranoid.

Nati-trigger ang anxiety and panic attack niya.

Ara
Wait, so alam mo na?

Alyssa
That she is seeing a Psychiatrist dahil sa ex niya?

Her Dad told me last month.

Kaya pala grabe magpasalamat si Jus noon sa 'kin.

Ara
That and her ex.

Alyssa
Alam ko na.

Nandito ako sa room niya ngayon, hindi pa ako bumabalik sa bahay.

Natutulog siya sa gilid ko. I chose to be with her today. She needs someone na masasandalan.

Ara
Ang caring mo na, grabe.

Alyssa
I'm here as her friend.

Ara
Nako, Ly.

Ikaw nagsabi niyan. 😁

Alyssa
Bahala ka dyan. Hahaha
Seen 2:30 PM

•••

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon