~Chapter 18~

22 16 2
                                    

Aphrodite's POV:

Malapit na ako papuntang studio. Pero hanggang ngayon takang-taka pa rin ako kung bakit ganun makaasta si Flame. Hyssss! Hayaan mo na. Nadadrive lang ako ng nagdadrive habang nakikinig sa tugtog HAHAHAHAHAHA. Alam niyo yung kantang Luha? Hindi sa Aegis ahh! Yung sa Republikan. Yun. Paborito ko kasi yun lalo't na nung iwan ako ni ehem JAHAHAHAHAHA

Ako ay lumuha,
Dahil di ko kayang
Malimutin ka at iwan ka
Dahil ikaw lang talaga.

WAHAHAHAHAHAHA.

~After 10 minutes~

Nagpark na ako ng kotse at bumaba na para pumunta ng studio.

Pagpasok ko ng gate nagulat ako kung bakit ang daming tao? Yung iba nakamedia? Yung iba may camera? Then last yung iba may papel? Ehhh? Anong nangyayari? Lumingon lingon ako sa paligid at ayun nakita ko si Bestie.

Nilapitan ko siya.

"Bestie" tawag ko sakanya na ikinagulat niya.

"Nandito ka na pala Bestie" gulat na tanong niya

"Yes, anong nangyayari? Bakit ang daming tao?" takang tanong ko.

"Because Of Us" maikling sagot niya

"Because Of Us?" takang tanong ko.

"Yes because of us. Duhh! You forgot? Model tayo? Tsk" malditang sabi niya.

"Aytt oo nga HAHAHAHAHAHA, Teka bakit ang taray mo? Meron ka noh? WAHAHAHAHAHA" natatawang tanong ko sakanya na ikinairap niya HAHAHAHAHA

Napatingin saamin ang isang may hawak ng camera at sumigaw

"SI APHRODITE AT ELYSE AYUN OH" sigaw niya na ikinalingon ng lahat at sabay sabay tumakbo kaya wala kaming choice ni Bestie na magstay duhhh! Ang dami kaya nila tsk.

Ngumiti nalang ako pati si Bestie

"Magandang umaga Miss Aphrodite at Miss Elyse" nakangiting sabi ng isa.

"Goodmorning" sabay na sabi namin.

"Kamusta po kayo?" sabi naman ng isa.

"We're fine, honestly we have shoot today. Kaya mas masaya dahil magsasama kami ni Elyse" nakangiting sabi ko sakanila

"How about you Miss Elyse" tanong sakanya

"I'm fine, kagaya ng sabi ni Aphrodite we're happy" sabi niya.

"Nabalitaan niyo na po ba na nakabalik na siya?" sabi naman ng isa. Na ikinataka namin ni Bestie

"Nagbalik? Sino nagbalik?" takang tanong ni Bestie na ikinasangayon ko.

"Si Miss Bianca po. Nakabalik na siya kahapon" sabi ng isa na ikinagulat namin lalo na ako.

Who's Bianca? She's my enemy, mortal enemy. Because she is the mistress of my Ex Boyfriend. Honestly she's my Bestfriend before Elyse, siya rin ang nagpasok saakin dito sa pagmomodel. Kaya sobra akong nasaktan noon. Dahil sa dami-daming babae na magiging kabit ng boyfriend ko ay yung bestfriend ko pa.

Nagulat nalang ako ng tinawag ni Bestie, hindi ko alam na tapos na pala ang interview. Ghadd! I felt stupid!

"Bestie ok ka lang?" nag-aalalang sabi niya saakin

"Yeah, I'm just shocked na nakabalik na pala siya" bitter na sabi ko.

"Oh? Why you felt sad? I thought nakamoveon ka na?" tanong niya saakin

"Yeah, nakamoveon na ako pero biglang bumalik lahat ng sakit na ginawa niya saakin noon. Hindi mo ako masisisi Bestie, she's my first bestfriend that's why sobrang sakit lang" naluluhang sabi ko.

"Yes, sige doon muna ako umiyak ka muna ng umiyak para hindi ka umiyak sa photoshoot HAHAHAHA" natatawang sabi niya bago umalis na ikinailing ko

Eto kasi yung kwento kung paano nila akong nagawang lokohin.

Flashback:

Masaya akong naglalakad papuntang condo ni Kyle boyfriend ko. I want to surprise him because It's our 2nd Anniversary. May dala akong cake. Binake ko siya kahapon for today. Kaso nagtataka ako sa pinapakita niya saakin nung nakaraang linggo. Hindi niya ako pinapansin, hindi niya ako matawagan kapag tinatawagan ko siya sinasagot niya but sinasabi niya

'Napakulit mo naman Max, I'm busy nga hindi ba? Kailan ka ba makakaintindi nun'

Nasaktan ako syempre. Pero pinabayaan ko na hysss.

Nandito na ako sa elevator at lumabas. May susi ako for his condo binigyan niya ako.

Nang buksan ko ang pinto nagulat ako sobrang dilim. Walang katao-tao tamang tama pwede pa akong mag decorate dito para mas maganda yung surprise. Kaso nagkamali ako. Dahil napakaingay sa loob ng kwarto niya. Sobrang ingay, kaya pumasok ako at sumigaw ng

'SURPRISE LOVE'

Pagkasabi ko niyan bigla sila nagulat miski ako nagulat. Sino ba namang hindi? When you caught your bestfriend and your bestfriend is

KISSING!

Nabitawan ko ang cake na dala ko habang umiiyak kaya natatarantang lumapit saakin si Kyle

"B-babe I explain" nauutal na sabi niya niy saakin pero imbis na ipagexplain ko siya sinampal ko siya ng paulit-ulit habang umiiyak

"Napakawalanghiya mo, niyo *huk* bakit mo ginawa saakin to? Mahal na mahal kita Kyle! Bakit mo to ginawa *huk* saakin? Pinagkatiwalaan kita! P-pinagkatiwalaan ko kayo *huk*" umiiyak na sabi ko at tumigin kay Bianca na nakangisi.

Pero bago ako lumapit sakanya pinulot ko muna ang cake na nagawa ko at lumapit sakanya pero wala siyang kaaalam-alam dahil nakangisi pa rin siya. Pagkalapit ko sakanya, yung cake na binake ko ay inihampas ko sa makapal na mukha niya na ikinagulat niya

"WHAT THE F*CK! Bakit mo ginawa yun ah B*tch" nagagalit na tanong niya saakin.

Pero imbis na sumagot ay sinampal ko siya at ibinalibag sa kama. Mabait pa naman ako kaya sa kama nalang.

"Ako B*tch? Sigurado ka? Siguro nga B*tch ako pero ikaw? You are Whore and a Slut! I trusted you! I trusted you Bianca!" sinasabi ko yun habang sinasabunot ko siya

"Tama na yan Max!" sabi saakin ni Kyle at inaaawat ako. Pero imbes na tumigil ako tumingin ako sakanya ng masama at sinampal ulit siya ng malakas.

"I want to surprise you! Pero ako ata nasurprise mo! This is your gift ba? Then eto ang pinaka walanghiya na regalo mo saakin!" umiiyak na sabi ko sakanya at tumalikod.

Pero lumingon ulit ako sakanila at ang natitirang cake na dala ko ay hinampas ko sakanila

"WE'RE DONE KYLE AND OUR FRIENDSHIP IS OVER BIANCA! HAPPY 2ND ANNIVERSARY AH!" umiiyak na sigaw ko sakanila at tumakbo.

Hanggang sa sumakay ako ng kotse umiiyak pa rin ako. At hindi ko alam kung paano ako nakauwi nagulat nga ako ng tumatakbo na sila Mom, Dad and Kuya saakin habang nagaalala.

They asked me why. Kaya kinuwento ko sakanila ang lahat.

Gustong sugurin nina Dad and Kuya si Kyle pero pinigilan ko nalang. At umakyat ng kwarto ko.

Pagkasara ko ng kwarto ay dun ako humagulgol ng iyak.

"Ang sakit! Sobrang sakit" humihikbing sabi ko.

End of Flashback:

Kaya sobrang galit ko sa kanya, sa kanila kaya napakawalanghiya niya ng magpakita siya sakin!

"Hi Guys! I'm back" sigaw ng napaka familiar na ahas este tao

"Hi Bestfriend I miss you" nakangising sabi niya saakin

"Oh, Hi Bianca" nakangiting sabi ko sakanya






















"I don't miss you. Welcome Back B*tch" nakangising sabi ko rin sakanya

Isip O Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon