Third Person POV:
Habang nag-uusap ang dalawang binata hindi nila alam na nakikinig sa usapan nila si Aphrodite.
"She put something in your drink" rinig niyang sabi ng binata na si Hephaestus. Pagkarinig niya ay bigla niya napayukom ang kanyang mga kamay dahil sa galit.
"What?" rinig niya na sagot ng kanyang kapatid. Hindi na siya nakapagtimpi kaya lumabas siya sa tinataguan niya na ikinagulat ng dalawa.
"P-princess" kinakabahang tawag ng kanyang kapatid. Tumingin ito sakanya at ngumiti na ikinabigla ng binata.
"Kuya huhu! Sorryyy!" kunwaring naiiyak na sabi ni Aphrodite na ikinatawa ng dalawang binata
"HAAHAHAHAH. Ako dapat mag sorry sayo. I Love you Princess" madramang sabi ni Maxim na ikinangiti ni Aphrodite
"I love you Kuya" sagot niya. Tumingin siya kay Hephaestus na nakatingin din sakanya. Nginitian niya ito at dinama ang yakap ng kapatid
'I love you Flame'
Aphrodite's POV:
Nanditi kami ngayon nila kuya nanonood. Namiss daw ako ni kuya. Parang tanga noh? Magkasama lang naman kami. HAHAAHAHAHHA. Pero hindi ako nanonood dahil iniisip ko kung paano gumanti kay Bianca. Bwiset siya! Napakawalanghiya niya. Gagawin niya talaga para lahat ng mahal ko sa buhay ay mawala saakin.
Una si Kyle, inagaw niya saakin but ok lang dahil kung hindi niya inagaw hindi ko makikilala si Flame.
Sunod si Kuya, pero hindi siya nagwagi tsk. Nakita niya na si Flame. Baka sa susunod ay si Flame na ang isunod niya. Pero sana hindi dahil hindi ako magdadalawang isip na mawala siya sa mundo.
"Hey Princess ang lalim naman ng nasa isip mo" pagkuha ni Kuya sa atensyon ko
"Nasisid mo ba kuya?" nagpipigil na tawa ko dahil biglang bumusangot si Kuya HAHAHAHHAHA
"Princess naman ihh!" nagpapadyak na parang bata ni Kuya.
"Oo nga Dite, ano ba kasing nasa iniisip mo?" takang tanong ni Flame
"Ikaw" balewalang sagot ko
Pagtingin ko kay Kuya nakangisi siya at may nanunuksong tingin na ikinataka ko. Pagtingin ko kay Flame ganun din, pero sobrang saya niya. Eh? Anong nangyayari? Ano bang sagot ko. Sh*t! Oh my ghadddd!
"Ikaw Princess aahh! Iniisip mo pala si Hepha WAAHAHAHAHAHAH" nanunuksong sabi ni Kuya na ikinapula ko
"Sabi na nga ba may gusto ka na din saakin" nakangising sabi naman ni Flame
"Tsk!" sabi ko nalang at tumayo dahil paniguradong aasarin lang nila ako at alam kong sobrang pula ko na!
Umakyat ako papuntang kwarto ko at pagkabukas ko may humili saakin papasok at nilock. Sisigaw na sana ako ng takpan niya ang bibig ko. Naiiyak na ako sa sobrang takot at kaba. Paano ito nakapasok sa kwarto ko.
KUYA! FLAME! HELP ME PLEASE
"Look at me" nang-uutos na sabi ng nasa kwarto ko. Pero hindi ako sumunod.
"I SAID LOOK AT ME" sigaw niya saakin na ikinagitla ko. Ayaw kong mamatay kaya tumingin ako sakanya. Biglang nanghina ang mga tuhod ko. Pero siya nakangisi lang
"Kamusta Mahal ko?" nakangising sabi niya.
"Kyle"
BINABASA MO ANG
Isip O Puso
FantasySabi ng puso mo ibigin mo pa rin siya ngunit, Sabi naman ng isip mo palayain mo na siya. Magkasalungat hindi ba? Litong-lito, Gulong-gulo kung ano dapat ang desisyon dahil kapag pinili mo ang isa magkakamali ka, pag pinili mo pa ang isa magkakamali...