Aphrodite's POV:
Habang ginagamot ko si Bianca ay hindi pa rin masagot ang tanong ko sa aking isipan.
'Bakit niya ako tinulungan?'
Hindi sa ayaw ko, thankful pa rin ako na hindi ako nabaril at walang nangyari saakin but bakit niya kaya ginawa yun? Naalala ko pa yung sinabi niya saakin kanina na 'Eto nalang magagawa ko para makabawi sayo' at yung 'You're my bestfriend right?' Pero matagal ng sira ang pagkakaibigan namin.
Nagulat ako ng biglang pumasok si Flame.
"Dite" nakangiting sabi ni Flame kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Nag-alala ako sakanya. Honestly ang weird, hindi namin nakita ang laban kanina parang may humaharang na hindi ko maintindihan kung ano.
"Kamusta? Nasaktan ka ba? Si Kyle? Anong nangyari?" alalang sabi ko sakanya na ikinatawa niya.
"I'm fine don't worry Love, and that guy? He's dead. Kaya huwag ka na mag-alala hindi ka na niya masasaktan" nakangiting sabi niya saakin pero nagtaka ako kung paano niya pinatay si Kyle as in! Wala kaming nakita kanina.
"But how? Paano mo siya napatay? Hindi madaling kalaban si Kyle" nanghihinang sabi ni Bianca pero nginitian niya lang ito at pinaandar ang sasakyan.
"Uuwi na tayo sainyo Dite, kaya tawagan mo si Kuya Maxim at magtawag siya ng doktor para magamot yan" mahinahong utos niya na ikinatango ko nalang.
~Ring~
"Hello Princess? Kamusta kayo? Sinugod kami dito buti nalang nandito si Ellise kaya walang nasaktan saamin. Ikaw kamusta ka? Bwisit talaga yang Kyle na yan! Tas sinabi pa saakin ng tauhan niya na siya yung pumatay kay Daddy then yung tatay niya naman ang pumatay kay Mommy! Tangek pag nakita ko siya ako mismo papatay sakanya" mahabang sabi ni kuya. Tsk napaka-oa HAHAHAHA
"Kuya, are you done talking? Pwede na ba akong sumagot?" mahinahong sabi ko sakanya.
"Yes Princess, sorry" paumanhin niyang sagot.
"First kuya, We're fine. Ok lang kami. Then sinabi din saamin ni Kyle. Ang daming revelation Bushak! Third, wala ka nang mapapatay dahil pinatay na ni Flame si Kyle. Kaya tumawag ako kasi pauwi na kami at please tumawag ka ng doktor dahil nabaril si Bianca" sagot ko sakanya.
"Bianca? Your ex-bestfriend? Bakit niyo kasama yan? Baka biglang may masamang gawin yan" galit nasabi ni Kuya sa linya
"Kuya, easy. Long story ihh. Mamaya nalang pls. Call a doctor nalang please" utos ko sakanya
"Ok, ok. Mag-iingat kayo ahh! I Love You!" sagot niya nalang saakin at pinatay ang call.
~After 30 minutes~
Nagpapark na si Flame sa parking. Pagkapark niya ay tinulungan niya akong buhatin si Bianca no, siya ang bumuhat. Nasa unahan ako habang sila nasa likudan ko. Pagkapasok namin ng bahay nandun sila kuya kasama ang doktor na tinawagan.
Nang makita ako ni Kuya ay agad-agad siyang tumakbo saakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Princess, nasaktan ka ba? Ok ka lang ba? Gusto mo ipatingin muna kita sa doktor dito para sure na okay ka?" alalang sabi ni Kuya na ikinatawa ko nalang
"No kuya, hindi naman ako lumaban kanina, hindi ako nasaktan kaya ok lang ako promise" nakangiting sabi ko at niyakap din siya.
Tumingin ako kay Flame na nakatingin din saakin, naibaba niya na pala si Bianca, pero wala siya dito sa sala.
"Where is she?" takang tanong ko kay Flame.
"In guest room, with the doctor." nakangiting sabi niya saakin kaya nginitian ko nalang siya. Napawi nalang ang ngiti ko ng tumikhin si Bestie.

BINABASA MO ANG
Isip O Puso
FantasiSabi ng puso mo ibigin mo pa rin siya ngunit, Sabi naman ng isip mo palayain mo na siya. Magkasalungat hindi ba? Litong-lito, Gulong-gulo kung ano dapat ang desisyon dahil kapag pinili mo ang isa magkakamali ka, pag pinili mo pa ang isa magkakamali...