Third Person POV:
Katahimikan ang naging sagot ng lahat pagkatapos magkuwento ni Bianca, Hanggang ngayon hindi pa rin makapasok sa kanilang isipan ang lahat ng sinabi ni Bianca
Pagkatapos ng katahimikan, ay biglang nagsalita si Ellise.
"Kung alam mo nang ganun mangyayari, bakit hinalikan mo pa?" wala sa sariling tanong niya kay Bianca na umiiyak.
"Mas gugustuhin ko pang masaktan, kaysa si Max ang masaktan." sagot ni Bianca.
"Are you crazy Bianca? Sa paghalik mo palang alam mong masasaktan si Max, tapos sasabihin mo mas gugustuhin mo pang masaktan ka kaysa sa kanya?" naiiyak na sabi ni Ellise
"I know, I know. Alam kong mali yung ginawa ko, pero wala akong choice kundi gawin yun, kasi pag hindi ko ginawa yun hindi mawawala si Max sa buhay disgrasya. Honestly, nagulat din ako na hindi pala namatay si Tito sa sakit niya, pinatay pala siya ni Kyle. Isa iyon ang nasa isip ko kaya ginawa ko ang hindi dapat gawin. Nasaktan ko siya pero hindi ibig sabihin nun ay intensiyon ko yun. Sinaktan ko siya dahil yun ang nararapat kong gawin. Mahal ko siya sobra, kapatid na turing ko sakanya. I'm sorry Max, I'm sorry. Please forgive me. " umiiyak na sabi ni Bianca.
Lumapit si Aphrodite kay Bianca at yumakap na mas lalong hinagulgol ni Bianca.
"Thank you Biancy, thank you so much. Sorry din at hindi kita pinakinggan. Kung hindi kita pinakinggan edi sana, sana hindi nasira yung pagkakaibigan natin. Sorry Biancy" umiiyak na sabi din ni Aphrodite.
Hinigpitan niya ang pagyakap kay Bianca. Pero napabitaw sila nung umiyak nang malakas si Ellise. Napatingin sakanya lahat na may halong pagtataka.
"Hey Princess, why are you crying? may masakit ba sayo?" alalang tanong ni Hephaestus na ikinailing ni Ellise.
"Then why are you crying?" takang tanong ulit ni Hephaestus. Itinuro niya si Aphrodite at Bianca na umiiyak na ikinataka ng dalawang dalaga.
"Why?/Ano?" sabay na sambit ng dalawang dalaga na ikinatango ni Ellise.
"Paano kasi ako? Hindi niyo isasama sa yakapan niyo? Baka nakakalimutan niyong kaibigan niyo din ako!" nagtatampong sabi ni Ellise na ikinatawa nang lahat.
"Jusko Maria Elyse akala ko naman kung ano pinuputok ng butchi mo diyan" natatawang sabi ni Aphrodite, na ikinasama ng mukha ng dalaga
"Really Max Aphrodite? Hestia Ellise not Maria Elyse! Goshhh!" maarteng sabi ni Ellise na ikinatawa nang lahat.
"But Ellise, baka nakakalimutan mo na yan ang pangalan mo dito sa mundo ng mga tao,at hindi Hestia Ellise tsk tsk" malditang sabi ni Aphrodite na ikinatawa ng lahat maliban sa dalagang si Ellise.
"Hmp pasalamat ka aalis na kami sa makalawa, kaya susulutin ko na tong araw na ito tsk" tampo na sabi ni Ellise na ikinatahimik nang lahat.
Nagtaka si Ellise kung bakit sila tumahimik lumingon siya sa lahat nang tao na kasama niya na nakatingin sakanya.
"W-what? Bakit ganyan ang mga tingin niyo saakin?" nagtatakang tanong niya sa lahat.
"Aalis kayo?"
--------------------------------------------------------------------------------
HI POOOO! SORRY FOR LATE UPDATEEEE! MEDYO BUSY PO AKO HEHE. HOPE YOU LIKE MY ANOTHER CHAPTERR!
THANK YOUUUUU

BINABASA MO ANG
Isip O Puso
FantasySabi ng puso mo ibigin mo pa rin siya ngunit, Sabi naman ng isip mo palayain mo na siya. Magkasalungat hindi ba? Litong-lito, Gulong-gulo kung ano dapat ang desisyon dahil kapag pinili mo ang isa magkakamali ka, pag pinili mo pa ang isa magkakamali...