Third Person POV:
"HADES!" sigaw ng dalagang nangangalang Elyse habang tumatakbo kaya't napatigil ang tinawah niya at lumingon na nakangisi.
Hingal na hingal tumigil sa kakatakbo ang dalaga at tumingin sa lalaki ng masama.
"Buhay ka pa pala?" nagagalit na sabi ng dalaga
"Hinding-hindi ako mamatay aking pamangkin, mauuna kayong mamamatay para maghari ako sa buong mundo WAHAHAHAHAHA" nakakakilabot na tawa ng lalaki
"Akala mo ba papayagan ka ni Ina? Pwes, let me tell you this. Hinding-hindi madadaig ang kasamaan sa kabutihan. Remember that Uncle" galit na galit na sabi ng dalaga.
"Tignan natin mahal kong pamangkin dahil malay mo mamamatay na pala ang iyong mahal na kuya HAAHHHAHAHAAHHA" nakangising sabi ng lalaki
"Huwag na huwag mong gagalawin ang kapatid ko Hades, at baka hindi ako makapagpigil na patayin ka ngayon" madiin na sabi ng dalaga
"WAHAHAHAHAH, huwag na huwag mo akong babantaan aking pamangkin dahil alam mong kayang-kaya kita. Kaya kung ako sayo magpakita ka na sa iyong pamilya at baka pag nakita mo sila, wala na pala WAHAHAHAHAHA" nakangising sabi niya at naglaho.
Pagkalaho ng lalaki napaluhod nalang si Elyse na umiiyak. At alam niyang hindi nagbibiro ang kanyang tito.
"Kailangan na ba talaga? Kailangan ko na bang magpakita? Dahil hindi ko pa gustong mawala at umuwi. Pero maaaring mamatay ang aking Ina at Kuya ng dahil sakanya. BAKIT BA HINDI KA MAMATAY MATAY HADES!" umiiyak na sigaw niya.
Aphrodite's POV:
Hanggang ngayon takang-taka pa rin ako sa inasal kanina ni Elyse. Kung alam ko lang na mangyayari to edi sana hindi nalang ako sumama HAHAHAHAHA Joke. Pero totoong nagaalala ako sakanya. Ano kayang nangyari? Hyyysss. Tatawagan ko nga siya.
~Ring~
"Hello?" umiiyak na sagot niya.
"Bestie? Ok ka lang? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang sabi ko sakanya na lalong nagpaiyak sakanya.
"Ahh, wala sumakit kasi ulo ko parang binibiyak. P-pero okay lang ako promise" sabi niya saakin. Pero isa lang masasabi ko LIAR. Halata namang hindi siya ok.
"Ganun ba? Gusto mo puntahan kita diyan? Magdadala ako ng gamot" alalang sabi ko sakanya.
"No, ok lang. Itutulog ko lang to. Sige na B-bestie. Goodnight" sabi niya saakin.
Sasagot na sana ako ng pinatay niya ang tawag.
Ano ba talagang nangyayari? Bakit siya umiiyak. Hysss. Makatulog na nga lang din. I talk to her tomorrow.
BINABASA MO ANG
Isip O Puso
FantasySabi ng puso mo ibigin mo pa rin siya ngunit, Sabi naman ng isip mo palayain mo na siya. Magkasalungat hindi ba? Litong-lito, Gulong-gulo kung ano dapat ang desisyon dahil kapag pinili mo ang isa magkakamali ka, pag pinili mo pa ang isa magkakamali...