~Chapter 40~

7 1 1
                                    

Third Person POV:

Nakatulalang nakatingin lamang ang binata sa dalaga habang naglalakad papasok nang bahay pagkatapos ang salitang isinambit nito. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya mula sa bibig ng dalaga

'Malaya ka na'

Sabi ng binata sa kanyang isip habang naluluha.

Aphrodite's POV:

Hindi ko ginusto na sabihin kay Flame yun. Dahil ayaw na ayaw ko siyang palayain kahit alam kong bawal, kahit alam kong hindi pwede. Ganun ako magmahal, martir na kung martir pero anong magagawa ko mahal ko ih.

"Princess" tawag saakin ni Kuya kaya lumapit ako sakanya at umiyak.

"K-kuya" umiiyak na tawag ko sakanya, niyakap niya ako pabalik.

"Shhh, stop crying Princess" sabi ni Kuya kaya mas lalo akong umiyak.

"K-kuya a-aalis sila, aalis si F-Flame, a-ayaw kong mawala siya Kuya. L-lagi nalang akong n-nasasaktan, g-gusto ko naman sumaya, g-gusto ko lang naman mahalin. P-pero k-kuya a-ang sakit, s-sobrang sakit" umiiyak na sabi ko sakanya

"Gaano mo ba siya kamahal?" seryosong sabi niya saakin

"S-sobra Kuya" mahinang sagot ko kaya nagbuntong hininga siya

"Princess, how many times I told you that don't fall harder, don't inlove with someone else na alam mong impossible, just focus in yourself. And you said na gusto mo sumaya sa pag-ibig. Princess, Love is not for the joy, for the happiness, dahil hindi ka naman nagmamahal kung puro saya lang ang nakikita mo, hindi ka nagmamahal kung puro saya lang ang hinahanap mo" sabi niya saakin. Bumuntong hininga ulit si Kuya at muling nagsalita

"Love can wait, hintayin mo Princess. Kung kayo para sa isa't isa hintayin mo siya at hihintayin ka niya. Yun ang pag-ibig, kung gusto niyo na kayo sa isa't isa, maghintayan kayo, at sa tamang panahon, ang paghihintay niyo ay matatapos sa walang hanggan. But for now, focus on your goals, and forget all the pain mylove. You can do it. I Love you" sabi saakin ni Kuya kaya niyakap ko siya.

"Sorry Kuya" mahinang sambit ko

"No, don't say sorry to me. Kay Hephaestus, alam kong nasaktan siya sa mga sinabi mo" sabi niya kaya tumingin ako sakanya na may halong pagtataka

'Narinig niya?'

"Yes Princess, narinig ko lahat, kaya go to him to say sorry and sulitin niyo na ang dalawang araw na pagsasama niyo. Kaya niyo yan" sabi ni Kuya at ngumiti


Hephaestus POV:

Nanditi pa rin ako sa garden inaalala lahat ng memories namin ni Dite. Hyssss bakit ba ang komplikado.

"A-ahh Flame" tawag saakin mula sa likuran kaya napatingin ako sakanya agad-agad.

"Dite" tawag ko sakanya.

Nagulat ako nang bigla siyang tumakbo at niyakap ako bigla. Pero kalaunan din niyakap ko din siya pabalik at ngumiti

"Sorry" sambit niya saakin kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya.

"Shhh, it's fine Love. Naiintindihan kita. But please don't say that word again. Nasasaktan ako" sabi ko sakanya kaya hinigpitan niya ang yakap niya saakin.

"Promise hindi ko na sasabihin yun" bulong niya saakin.

Bumitaw na siya sa pagyakap at humarap saakin nang nakangiti.

"Susulitin ko na ang dalawang araw na kasama ka. Yung walang problema, hindi ko iisipin na aalis ka at iiwan mo ako huhu. Joke lang! HAHAHAHAHA basta sulitin natin" nakangiting sabi niya saakin

"Susulutin natin. Kaya magpahinga ka na at alam kong pagod ka, matulog ka na at aalis tayo bukas. Gusto kita makasama na tayong dalawa lang" nakangiting sabi ko sakanya kaya tumango siya saakin at niyakap ulit ako.

"Goodnight Flame. I Love You" sabi niya saakin at hinalikan ako sa pisngi.

Napatulala ako habang siya ay pumasok para pumunta sa kwarto niya. Ngumiti nalang ako at napailing.

'I love you too Dite'


*/kinabukasan

Third Person POV:

Gaya nang sabi ng binata at dalaga ay sinulit nila ang mga araw habang sila ay magkasama.

Naglaro, kumain, gumala. Yan ang ginawa nila sa buong isang araw. Habang kumakain sila ay naguusap sila.

"Sana ganito nalang palagi, yung masaya tayong dalawa. Yung walang hadlang" sabi ng dalaga

"Mararating din natin pero hindi pa ngayon" sagot sakanya nang binata

"Hayaan mo na nga nandito tayo para sumaya kaya dalian mo diyan at marami pa tayong gagawin" sabi sakanya ng dalaga na ikinatawa ng binata.

Pagkatapos nilang kumain ay pumunta sila sa isang park.

"Walang kalimutan ah, kukutusan kita pag nakalimuutan mo ako" sabi ng dalaga

"Pag nakalimutan kita, isip ko mawawalan ng memorya pero ang puso ko ay punong puno nang saya kasama ka" seryosong sabi ng binata

"So kakalimutan mo talaga ako?" Taas kilay na sabi ng dalaga

"Of course not" sabi nang binata na ikinatawa ng dalaga

"Eto naman masyadong seryoso nagbibiro lang ih HAHAHAHAHHA" tumatawang sabi ng dalaga.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Sure akong hindi kita makakalimutan, pero ikaw? Alam at sure akong makakalimutan mo ako, miski mukha ko ay makakalimutan mo"

Isip O Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon