Hephaestus' POV:
Nandito ako ngayon sa harap ng isang kainan dahil gutom na gutom na ako. Pero paano? Wala pala akong pera. Hysss. Siguro itutuloy ko nalang ang paghahanap kay Ellise para makabalik na kami. At sinabi saakin ni Mom kahapon na buhay siya.
Flashback:
Habang naglalakad ako may liwanag nanamang lumabas tumingin tingin ako sa paligid kung may tao at buti wala. Nang mapatingin ako sa harap si Mom lang pala pero parang iba ang awra niya ngayon? Galit? Panghihinayang? Kaba? At takot? Yan ang nakikita ko sa mga mata ni Ina. But why?
"Mom? Are you ok?" nag-aalalang sabi ko sakanya.
"No I'm not Son! Bumalik na siya" galit na sabi niya saakin
"Sinong siya Mom?" nagtatakang sabi ko.
"Si Hades, ang kapatid ko ang tiyo mo." sigaw ni Mom na ikinatulala ko.
"Si T-tito? P-pero paano? E-eh diba p-patay na siya? P-paanong nangyaring buhay siya?" nauutal na sabi ko sakanya.
"Hindi ko din alam, kaya Flame, as soon as possible kailangan mo nang mahanap si Ellise dahil kilala ko ang kapatid ko. Pag siya ang naunang nakahanap kay Ellise maaaring patayin siya nito o balaan. Kaya please Flame, I begging. Hanapin mo si Ellise at baka hindi ko kayanin na mawala siya" naiiyak na utos saakin ni Mom
"I will Mom, I will" sagot ko sakanya at niyakap siya.
End of Flashback:
Kaya hanggang ngayon ay hindi ako tumitigil sa kakahanap kay Ellise dahil maaaring tama si Mom at siya ang unahin. At yun ang hindi ko makakaya kung pati ang kapatid ko ay mawala dahil sa kahayupan niya.
Pero gutom na gutom na talaga ako. Saan ba dito na may libreng kainan? Hyssss. Lakad doon lakad dito. Wala pa rin talaga.
"Flame?" tawag saakin ng isang babae? Familiar. Kaya tumalikod ako at natulala ng malaman ko kung sino.
"A-aphrodite?" nauutal na tawag ko na nakapagpangiti sakanya na ikinatulala ko muli
"Ako nga, buti naalala mo ako, bakit parang may hinahanap ka?" takang tanong niya saakin
"Ahh, oo. Naghahanap kasi ako ng libreng kainan, tatlong araw na kasi ako hindi kumakain wala rin akong dalang pera kaya ganun. At wala rin akong tirahan. Hinahanap ko kasi yung kapatid ko" mahabang sagot ko sakaniya
"What? Edi saan ka natutulog o nagpapahinga man lang?" gulat na tanong niya saakin.
"Kung saan saan, hindi naman ako pwede magtagal na magpahinga dahil hahanapin ko pa ang kapatid ko" sagot ko sakanya.
"Ganun ba? Sige ganto nalang, sumama ka saakin at dun ka muna pansamantala, tas pag nahanap mo na ang kapatid mo dun ka nalang maghanap ng ibang tirahan niyo if ever." sabi niya saakin na ikinagulat ko
"Wag na, nakakahiya. Ok na ako. Baka magalit pa ang kasama mo" sabi ko sakanya
"No worries my brother is kind. Siya lang naman ang kasama ko. And don't worry meron namang guest room dun kaya pwedeng pwede ka dun promise. Wait I call my brother first to make paalam hehe" nakangiting sabi niya na ikinangiti ko. Wala na rin akong choice para magtanggi at isa pa gutom na gutom na rin ako.
"Hello Kuya?"
"Magpapaalam lang sana ako"
"May kasama kasi ako, pwede bang sa bahay muna siya pansamantala? Hinahanap niya kasi yung kapatid niya at wala siyang dalang pera"
"Lalaki Kuya, He's my friend and I promise is Nice"
"Really Kuya? Oh my ghad! Thank youu! I Love You So Much!"
Nakangiting binaba niya ang cellphone niya at humarap saakin.
"Pumayag si Kuya. Kaya halika na para makakain na rin tayo lalo ka na" nakangiting sabi niya na ikinatango ko.
Naglalakad kami papuntang parking lot. At sumakay siya ng kotse samantalang ako nakatayo lang na ikinataka niya
"Ano na Flame? May balak ka bang pumasok? Pumasok ka na" sabi niya saakin. Kaya pumasok na ako sa loob. Kinakabahan ako dahil first time lang to.
Minamaneho niya lang ang kotse ng bigla siyang nagsalita.
"Ayun may drive thru, oorder ako ng food natin para makakain ka na kahit konti" nakangiting sabi niya at lumiko.
Pagkabigay ng mga pagkain ay nagpasalamat siya at ibinigay saakin ang chiken with rice. Kaya nagpasalamat ako.
Nagkukwentuhan lang kami habang kumakain, habang siya ay nagdadrive at yung kinakain niya ay burger daw yun ang tawag niya ih HAHAHAHAAHA.
Napatitig ako sakanya habang tumatawa siya
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
I really inlove with you Aphrodite, ano bang ginawa mo saakin? Now alam ko na ang pipiliin ko pero sana maging tamang desisyon.
BINABASA MO ANG
Isip O Puso
FantasySabi ng puso mo ibigin mo pa rin siya ngunit, Sabi naman ng isip mo palayain mo na siya. Magkasalungat hindi ba? Litong-lito, Gulong-gulo kung ano dapat ang desisyon dahil kapag pinili mo ang isa magkakamali ka, pag pinili mo pa ang isa magkakamali...