Ellise/Elyse POV:
"Ellise" tawag ng napakafamiliar na tao saakin. Napatigil ako sa kanyang pagtawag. Dahan-dahan akong tumingin sakanya at pagkakita ko sakanya bigla nalang ako napaluha hindi lang dahil sa pagkamiss ko sakanya kundi.
'Tapos na ang tagu-taguan'
Yes tapos na, nakita na niya ako at natatakot ako na maaaring umuwi agad kami sa Mount Olympus.
"Kuya" mahinang banggit ko sakanya. Sa pagtawag ko sakanya bigla siyang tumakbo ng mabilis at niyakap ako ng mahigpit.
"Saan ka ba nanggaling Hestia Ellise?! Alam mo bang ang tagal ka namin hinanap?! Bakit ka ba umalis ah?! Pwede ka namang magpaalam kung ayaw mo na dun papayagan kita, hindi lang yun sasamahan kita! You know how much I love you right? Kaya bakit ka nagsarili?" umiiyak na sermon niya saakin na lalong nagpahagulgol saakin
"Sorry kuya, sorry kuya *huk* Sorry" umiiyak na sabi ko sakanya. Hinagod niya ang likuran ko na parang pinapatahan
"Shhh, don't cry. Ok lang, nakita na kita and don't be sorry I understand you. Kaya ngayon ay sasabihin natin kay Mom na nahanap na kita at uuwi na tayo sa susunod na linggo sa Olympus" pampapatahan na sabi niya saakin na lalo kong ikinaiyak. Hindi dahil sa saya kung hindi sa lungkot at sakit sapagkat alam kong mangyayari ito na kapag nakita na ako ni Kuya paniguradong aalis agad kami lalo't na buhay pa pala ang aming Tiyo na si Hades.
Third Person POV:
Habang ang dalawang magkapatid na sina Hephaestus at Ellise ay nagiiyakan ang dalawang magkakapatid naman na sina Maxim at Aphrodite ay nagtataka. Ang dami nilang tanong sa isip nila katulad ng,
'Magkapatid sila?'
Hindi na nakapagpigil si Aphrodite kaya nagtanong na siya.
"Ahhmm, guys? What is the meaning of this? Elyse you called Flame 'Kuya' and you Flame you called Elyse 'Hestia' I think." takang tanong niya sa kanilang dalawa.
Ngumiti sakanya si Hephaestus samantalang si Elyse/Ellise ay umiiyak na tumingin sakanya na lalo nilang ikinataka ng mag-kapatid na Scott.
"Ahm, Dite and Kuya Maxim. Yung kapatid ko na sinasabi ko sainyo? Si Ellise yun, siya yun." masayang sabi ni Hephaestus
"What do you mean? Na si Elyse ang kapatid na hinahanap mo? Na si Elyse ang nawawala mong kapatid?" takang tanong ni Maxim na ikinatango ni Hephaestus
Katahimikan
"So, ikaw pala yun Maria Elyse, I mean Hestia Ellise. Nice. Why you didn't tell me ah?" sarcasm na sabi ni Aphrodite
"I didn't know M-max. I d-din't know. I-i'm sorry" umiiyak na sabi ni Ellise na ikinailing ni Aphrodite
"No alam mo! Alam na alam mo. Gusto mo malaman? Pwes! Gusto kong sabihin sayo na siya yung nakabanggaan ko, tinanong mo pa nga saakin kung anong pangalan niya kaya sinabi ko sayo. Pero nagulat ako ng bigla kang namutla ng mabanggit ko ang pangalan ni Flame na kuya mo pala! And akala mo ba hindi ko napapansin ah?! Kapag niyaya kita na hanapin ang kapatid niya na ikaw ay hindi ka sumasama! Akala mo hindi ko napapansin pwes! Nagkakamali ka!" sigaw ni Aphrodite sakanya na lalo niyang ikinaiyak
"I-I'm sorry, I-I'm just scared Aphrodite. Natatakot ako na baka pag sinabi ko na a-ako a-ang kapatid niya ay aalis na kami. Ayaw kong mangyari yun. Because o-of you k-kaya ako nandito kaya ayaw kitang iwanan. Lalo't na h-hindi naman t-talaga ako/kami taga d-dito" humihikbi na sabi ni Ellise na ikinataka ni Aphrodite
"W-what do you m-mean?" nauutal na nagtataka na sabi ni Aphrodite
'We're not just a human Aphrodite and Kuya Maxim, We are a God and Goddess. A Fire Goddess'
BINABASA MO ANG
Isip O Puso
FantasiSabi ng puso mo ibigin mo pa rin siya ngunit, Sabi naman ng isip mo palayain mo na siya. Magkasalungat hindi ba? Litong-lito, Gulong-gulo kung ano dapat ang desisyon dahil kapag pinili mo ang isa magkakamali ka, pag pinili mo pa ang isa magkakamali...