~Chapter 39~

8 1 0
                                    

Ellise POV:

"Aalis kayo?" tulalang sabi ni Max na ikinatakip ko ng bibig

'Shookt Hestia Ellise napakadaldal mo' sabi ko sa isip ko

"A-ah a-ano" kinakabahang sagot ko at tumingin kay Kuya.

'Kuya help meeee!'

"Flame? Aalis kayo? Saan kayo pupunta? Iiwan mo ako? naiiyak na tanong ni Max kay Kuya

"Dite, you know na hindi kami katulad niyo" sabi ni Kuya na ikinataka ni Bianca

"W-what do you mean na hindi niyo kami katulad?" takang tanong ni Bianca na ikinabuntong hininga ni Kuya

"We're not an ordinary person. We're an immortal. We have powers. And honestly, we're a God and Goddess" diretsong sabi ni Kuya na ikinatulala ni Bianca

"Are you joking right?" wala sa sariling tanong ni Bianca. Kaya naglabas ako ng kapangyarihan na ikinasinghal ni Kuya.

"Hestia! Stop that" sigaw ni Kuya na ikinairap ko.

"Hindi siya naniniwala kaya binigyan ko ng example tsk" malditang sabi ko kay Kuya kaya tumingin siya saakin na hindi makapaniwala.

~Saglit na katahimikan~

"So? A-aalis nga kayo?" balik na tanong ni Max na ikinatingin namin sakanya

"D-dite, can we talk? tayong dalawa lang? Please?" nagmamakaawang sabi ni Kuya sakanya na ikinatango niya.

Naunang lumabas si Max na sinundan agad ni Kuya.

Hephaestus POV:

Nandito kami ngayon sa garden nila. Nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang magsasalita.

"Dite/Flame" sabay na tawag namin.

"Sige ikaw na mauna/You first" sabay na sabi ulit namin

"No, ikaw na mauna/No, you go first" sabay na sabi ulit namin.

"A-ahh, planado na ba talaga ang pag-alis niyo?" mahinang tanong niya saakin

"Yes Dite" mahinang sagot ko din sakanya na ikinalingon niya.

"Bakit hindi mo sinabi ng maaga? Bakit kailangan niyong umalis? I-I mean hindi ba pwedeng dito nalang kayo?" sunod na sunod na tanong ni Dite na ikinabuntong hininga ko.

"Dite, alam mong bawal hindi ba? Bawal kami dito, may misyon pa kaming kailangang gawin ni Ellise kaya need naming bumalik sa Mount Olympus. Kung pwede nga lang mag stay dito edi sana ginawa ko na para lang makasama ka, pero bawal talaga. Isa akong Diyos, isa kang tao. Miski relasyon bawal na bawal saatin, Hindi ko naman pwedeng baguhin ang tadhana kahit gustong-gusto ko itong palitan, anong magagawa natin, kahit gusto natin ang isa't-isa ang tadhana pa rin ang nakasalalay kung tayo ang para sa isa't-isa" mahabang sabi ko sakanya. Bumuntong hininga ako at nagsalita muli.

"I love you Dite, I love you so much. Pero yung pagmamahal na ito ang sisira nang buhay natin" patuloy ko pa.

Lumingon siya saakin na lumuluha

"B-bakit ba g-ganito? Gusto ko lang naman m-magmahal. B-bakit sa isang d-diyos pa? B-bakit s-sayo pa?! A-akala ko, hindi na ako masasaktan, akala ko sasaya na ako ako. Pero, n-nakakasira naman ng utak tong lintik na pag-ibig na ito!" umiiyak na sabi niya.

"M-mahal n-na m-mahal kita Flame, mas minahal kita kaysa kay K-Kyle. Pero s-sana s-sinabi mo saakin nung una pa lang na bawal ako sayo, b-bawal ka s-saakin at bawal tayo para sa isa't-isa, edi sana hindi ako nasasaktan nang ganito!" patuloy na sabi niya.

Lumapit ako sakanya niyakap ko siya nang mahigpit kaya lalo siyang humagulgol.

"I'm sorry Love, I'm so sorry for hurting you" paumanhin na sabi ko sakanya habang nakayakap.

Umiyak lang siya ng umiyak hanggang sa tumigil din siya. Bumitaw at tumingin lang siya saakin at nagsalita

"Sulitin natin ang dalawang araw na magkasama tayo, huwag natin alalahanin ang mga bawal. Isipin natin na tayo lang. Isipin natin na pwede lahat. At kapag natapos na ang dalawang araw na ito,
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
malaya ka na "

Isip O Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon