Chapter 48: Picture of us

3.5K 45 6
                                    

Chapter 48

( Picture of us )

 

--Matthew’s POV--  

Nakakalungkot isipin na yun ang dahilan kung bakit umalis si Clarence sa bahay nila. Hindi ko mapigilan ang hindi talaga magalit sa gag*ng Justine na yun.

Hindi pa rin sapat sakanya si Clarence.

*sigh*

Kaya naman nasapak ko siya kanina nung kinaladkad niya at sinaktan si Clarence. Naiyak na si Clarence dahil sa higpit ng hawak niya sa braso ng dalagang pinakaiingatan ko.

Takte, nakakabading naman ‘to.

Hanggang ngayon umiiyak pa din siya, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya habang nagdadrive ako.

Nag-aalala na ako ng sobra sa kanya kaya naman hininto ko muna ang kotse sa gilid ng daan.

Hindi ko naman alam kung ano sasabihin ko para mapagaan ang nararamdaman niya.

“Clarence are you okay?” tanong ko. Sa lahat ba naman ng pwedeng itanong yun pa naiisip ko.

Tsk!! Stupid Matthew!! Tinatanong mo pa eh hindi nga siya okay.

*sigh*

Hihintayin ko na muna siyang kumalma.

Siguro makakatulong din ang presensya ko kahit paano, dahil alam niyang hindi siya mag-iisa.

Andito naman ako.

Sana ako na lang.

“Hyung I’m so sorry.” Sabi niya. Naguguluhan man ako kung bakit siya nagsosorry sa akin hindi na lang ako nagtanong pa.

Hinawakan ko lang ang kamay niya.

“You can cry on me, you can say whatever you want to say.” Sabi ko at niyakap siya.

Umiyak lang siya ng umiyak.

Lintek ka Justine bakit mo pinaiiyak ang babaeng ni sa panaginip ko hindi ko ata kayang paiyakin. Gusto kong bugbugin si Justine hanggang sa pagsisihan niya na ipinanganak siya sa mundong ibabaw at sinaktan niya ang babaeng minahal ko dalawang taon na ang nakakaraan.

Naramdaman ko na lang na huminto na siya sa pag-iyak at mas lumalim na ang paghinga niya. Tulog na siya.

Nakatulugan na niya ang pag-iyak.

Lumayo ako sakanya at sinandal na siya sa upuan.

Pinagmasdan ko siya ng mabuti, namumula ang mukha niya sa kakaiyak.

Napakawalang kwentang tao ng magpapaiyak sa ganitong babae.

Isang babaeng fragile na dapat ingatan at hindi hayaang mabasag.

Hindi pa pala siya nakaseatbelt kaya naman inilagay ko muna iyon.

Napatingin na naman ako sa mga labi niya.

NO MATT!!!

Don’t kiss her AGAIN!!

My Korean Lover Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon