Chapter 55: Letting go

3.8K 45 7
                                    

Chacey_Cha’s note: ehem.. ehem.. mic test, test mic. Hahaha.

Eto na ang last chapter ng MKLB. And wait there’s more. May kasunod pa syempre, hanggang wala kayong nababasang the end hindi pa siya tapos okay? Pagkatapos ng chapter na ito ay FINAL chapter na as in!! FINAL.. bwahaha.

 

Pero ang Final chapter ay hinati ko sa 3parts..

Yes tama kayo ng basa, baliw ang otor kaya hinati pa sa 3parts.. wala trip ko lang ahihihi ^___^v

Pagkatapos ng final Chapter ay EPILOGUE na ^o^

Ang saya saya dahil akalain niyo yun matatapos ko na ang first story ko..

O siya mahaba na baka naiinis na kayo dyan at batuhin niyo pa ako ng kamatis.

 

Enjoy reading..

Chapter 55

( Letting go )

 

--Matthew’s POV—

Nagulat talaga ako ng halikan ako ni Clarence, akalain niyo yun?!! Kanina kausap ko palang ang dalawang konsensya ko tungkol sa paghalik ko kay Clarence at ngayon nagkatotoo na!! Takte kinikilig ata ako.. nakakabading!!

She’s kissing me like there is no tomorrow.. OA na kung OA pero eto ang pakiramdam ko, anong magagawa niyo!!

I like this feeling, I like?

NO!!!

I love this feeling.

I love the way she kisses me..

And damn me!! I kissed her thoroughly...

We both stop when we can’t breathe..

“Best kisser ka pala Matt.” Sabi niya tapos niyakap niya pa ako.

Napangiti na lang ako.

Nabigla na lang ako ng may humatak kay Clarence palayo sa akin at isang suntok ang sumalubong agad sa akin...

--Clarence’s POV--  

Oo hinalikan ko nga si Matt dahil nakita ko si Justine at lalapit na sana sa akin.

I have no choice kaya naman hinila ko kaagad siya sa kwelyo at nagtiptoed at hinalikan siya. alam ko din na nagulat siya sa ginawa ko..

At sa gusto kong mangyari, gusto ko talagang magrespond siya at hindi naman ako nabigo doon.

Paano ko na lang kasi mapapaniwala si Justine kung ako lang ang manghahalik at hindi magrerespond si Matt... diba diba?

Alam ko mali ang ginawa ko dahil parang ginagamit ko si Matt..

Pero kasi wala na naman akong choice diba? Kailangan ko na kasing mapalayo sa akin si Justine.. kasi kung hindi siya lalayo at mananatili malapit sa akin ay hahawakan ko na talaga siya at hindi na kailanman pakakawalan.

My Korean Lover Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon