Chapter 38: Friendly Date?

3.7K 43 3
                                    

Chapter 38

 

( Friendly Date? )

 

 

“Clarence I gotta go, may practice pa kami.” Sabi ni Justine at humalik pa sa akin bago siya tumakbo palabas ng classroom.

May practice kasi sila ng basketball para sa sports fest sa school, sila ang magre-represent ng  course namin, lahat kasi ng mga course may competition sa iba’t-ibang sports.

Pano nakasali si Justine? Ganito kasi yun...

 

** Flashback **

“Class sino marunong magbasketball dito?  Magtry-out kayo para makasali kayo sa basketball team ng course niyo sa darating na sports fest.” Sabi ng prof namin sa p.e. bago siya umalis.

Tinignan naman ako ni Justine ng GUSTO-KO-MAGTRY-OUT-LOOK.

 

“Magta-try-out ka?” tanong ko sa kanya.

Natigilan naman siya at nag-isip pa ata ng mabuti.

“hmm.. Yes? Is it okay to you?”

“Oo naman.” Sabi ko sakanya. Hindi ko naman kasi pwedeng pagbawalan siya sa mga gusto niyang gawin.

Nagliwanag ang mukha niya at ngumiti ng pagkalapad-lapad

^__________^

Nagtry-out nga sila kasama iba pa naming classmates at natanggap naman sila sa team pati na din si Paolo kasama nila sa team.

**End of flashback **

Kaya eto ako ngayon wala kasama umuwi.

Si marie din kasi nagpunta sa gym para isupport ang kanyang pinakamamahal na boyfriend niya pati na din ang kuya niya na kasali sa dentistry team. Sina Rico, Mart at Matt kasama din pala.

Pupunta na lang ako sa bookstore bago umuwi. Bibili na lang ako ng book na babasahin ko para hindi ako mainip sa bahay.

---

Konti lang din yung mga tao dito sa bookstore.

Nagpunta ako sa mga shelves ng books.

May nakita na akong book na gusto ko.

Kaso hindi ko maabot nasa pinakataas ng shelf.

Pilit kong inaabot kaso hindi ko talaga maabot eh.

>____<

TToTT

Tinitigan ko ng masama yung libro -____-+++

Kaso hindi naman bababa ng kusa yung libro kahit samaan ko ng tingin.

May narinig akong mga batang naglalaro at nagtatakbuhan sa kabilang side ng shelf ng biglang umalog yung shelf ng mga book.. tinamaan ata nila.

My Korean Lover Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon