Chapter 45: Who is he?

3.2K 44 20
                                    

Chapter 45

( Who is he? )

Umuwi na si dad sa Korea, mag-isa na naman ako dito sa Condo.

Hinahanap na din ako nila Marie. She’s been calling me this past few days. Siguro sinabi na din ni Justine na umalis ako ng bahay at hindi na bumalik.

Miss ko na si Justine pero hindi ko pa kaya na makita siya ulit matapos ng ginawa niya, siguro naman alam na niya ang dahilan kung bakit ako umalis at hindi na babalik kailanman.. ugh!! Sumasakit ang ulo ko.

Ang sakit na nga ng puso ko pati ulo ko at utak ko sumasakit lagi ko kasing naiisip si Justine at ni minsan hindi siya nawala sa isip ko.

Puro na lang ba sakit ang mararamdaman ko kapag kapiling ko siya?

December 23 na, bukas christmas eve at at sa susunod na araw ay Christmas na.

Sino kaya makakasama ko sa Pasko?

Sana pala sumama na akong umuwi kay Daddy sa Korea para hindi ako nababaliw sa pag-iisip dito.

Pupunta na lang ako ng bar gusto kong mag-inom ngayon.

 

** Bar **

Umupo ako sa isang stool dito sa bar.

Uminom lang ako ng uminom, pakiramdam ko kasi alak lang ang dadamay sa akin sa mga panahon na ito.

May umupo sa tabi ko.

Tumingin ako sa kanya pero hindi ko makita ang mukha niya madilim kasi at umiikot na din ang paningin ko sa hilo.

 

“ We’ve been looking for you.” Sabi niya.

Hindi ko alam kung ako ba kinakausap niya. Pero familiar ang boses niya I think I know him.

Ugh!! Ang tanga ko syempre kilala ko siya at kilala nia ako kaya nga daw hinahanap niya ako eh.

 

“Why?” tanong ko

“Kasi nawawala ka.”

“tss. Whatever.”iinom pa sana ako ng bigla niyang agawin ang baso ko.

 

“Hey!! That’s mine!!” singhal ko sakanya.

“Damot mo, lasing ka na nga eh.” Sabi niya.

Tinignan ko siya ng maigi, nahihilo ako. Pero siya ay si.......

 

---Someone’s POV---

Birthday niya ngayon gusto ko sana siyang makita.

Tenext ko si Marie kung asan si Clarence, ang sabi niya ay kasama daw ni Clarence ang Daddy niya.

Darn!! I want to meet her Dad! Why? What for?

Putek!! nababaliw na talaga ako.

My Korean Lover Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon