Chapter 50: My love for you will never end

3.3K 46 22
                                    

Chapter 50

( My love for you will never end )

This is it!!

Waaahhh >3<

May pasok na, and I really have to face him.

Hopefully makaya ko.

Kanina pa ako palakad lakad dito sa sala ng unit ko.

Di ako makapagdecide kung papasok ba ako o hindi.

*sigh*

Bakit ba ako nagkakaganito? Eh makikita’t makikita ko din naman siya kahit anong iwas pa ang gawin ko.

Lumabas na ako ng condo at nagpunta sa parking lot, sumakay ng kotse at dumeretso sa school.

Nagpark na ako, 30minutes na ako dito sa loob ng kotse.

Kinakabahan ako.

Napabuga na lang ako ng hangin.

“FIGHTING!!” sabi ko sa sarili ko at nagfighting sign pa.

Sabay bukas ng pinto ng kotse at lumabas.

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko.

Nagsimula na akong maglakad papapunta sa klase ko ng makasalubong ko si Matt.

“Good morning.” Bati niya at nginitian ako.

Napansin ko din na maraming nakatingin sa kanya. Bakit kaya?

Ahhh stupid ko talaga, oo nga pala basketball player siya ng university na ito so dahil doon ay sikat din siya.

“Good morning hyung.” Bati ko din.

“Hatid na kita sa room mo?” tumango lang ako at nagpatuloy na kami ng paglalakad.

Asa tapat na ako ng room nakahawak na din ako sa door knob.

Nagdadalawang isip kung bubuksan o hindi.

Tinignan ko si Matt nakatingin din pala siya sa akin.

“Fighting Clarence!! Kaya mo yan.” Sabi niya.

“Hyung I don’t think I’m ready to see him” sabi ko at nagpout pa >3<

Nakasanayan ko na ata ang pagpapout kapag kasama ko si Matt.

“Tss.. pacute” napailing siya. “Tara na nga.” Sabi niya at hinila ako palayo sa pintuan ng classroom.

“Saan tayo pupunta?”

“Papapalitan schedule mo. Gusto mo ba yun?” tanong niya.

Tinignan ko siya at nag-isip.

My Korean Lover Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon