Chapter 44: Birthday Gift---Heartache

3.2K 45 2
                                    

Chapter 44

 

( Birthday Gift---Heartache )

 

“Are you okay my Princess?” Dad asked me

Pinilit kong ngumiti at wag ipakita ang lungkot at sakit na nadarama ko.

“Yes dad.” Ginawa kong masigla ang boses ko.

Oo nga at andito na si Dad sa bahay namin, pero nakacheck in daw siya sa isang hotel.

“Justine can I borrow my Princess?” tanong niya kay Justine.

Nakatingin ako sa ibang direksyon mula kanina pa. Sadyang iniiwas ko ang tingin ko kay Justine, dahil sa bawat pagtatagpo ng mga mata namin, mas lalong sumasakit ang puso ko na nagdurusa.

Mas lalong naninikip ang dibdib ko, pakiramdam na unti-unting pinapatay ang puso ko at ang buong pagkatao ko.

Sa gilid ng aking mga mata nakikita ko pa din siya na nakatitig lang sa akin mula kanina.

Hindi ko kasi siya kinakausap mula ng makita at marinig ko sila ni Krizza.

What for? Para magsinungaling siya? itanggi ang mga nangyari? Itago ang panloloko niya sa akin?

Oo ganito na ako mula kanina, may tiwala naman ako sakanya. Ang kaso parang ang hirap ng paniwalaan pa siya. Ang hirap ng paniwalain ang pagmamahal niya sa akin.

Pilit kong tinatatagan ang sarili ko, kunwari wala akong nakita o narinig mula sa pag-uusap nila ng dumurog sa puso ko.

Matagal tagal din akong umiyak sa kwarto ko kanina, inilabas ko lahat ng sama ng loob ko. Pero hindi pa rin sapat para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko tagos sa puso ang sakit.

Kumakatok siya kanina at nagpupumilit pumasok sa kwarto ko pero hindi ko siya pinagbuksan dahil baka kung ano lang ang sabihin niya at masabi ko sakanya. Mahal ko siya, mahal na mahal at ayaw kong makapagbitiw ng mga salita na makakasakit sa damdamin niya.

At ayaw ko muna din na may marinig na kahit anong salita mula sakanya.

“Yes of course Tito.” Pagkasabi nun ni Justine bumalik ang ako sa katinuan.

Tumayo na si Daddy.

“Come on my princess, I’ll give my birthday gift to you.” Sabi ni Dad.

 

“Birthday?” takang tanong ni Justine.

Great!! Very great! Hindi niya pala alam na birthday ko ngayon..

Yes Justine it’s my birthday TODAY!! And you gave me the best birthday gift ever.

Birthday gift that broke my heart.

Sana masabi ko sakanya yan.

Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya bago ako lumabas ng bahay.

 

“Yeah beb. It’s my birthday today. And don’t worry you already gave your birthday gift to me. Thank you huh?”I said it looking straight into his eyes, without even blinking my eyes with a sarcasm tone.

My Korean Lover Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon