Miracles

170 10 0
                                    

Nakaka-ilang araw palang ako sa bagong paaralan ko pero usapan na agad ako. Dapat talaga hindi na ako nagtaas ng boses, mukha tuloy akong illiterate at walang pinag-aralan, pumunta sa paaralan para makipag-away at makipagsuntukan. Gagawa na lang ako ng paraan para makabawi ako kay Kim at para malinis ko ang pangalan ko.

-------

Nasa school cafeteria ako para kumain at para na rin maghanap ng bagong ma-iguguhit ng bigla kong makita si Kim kasama si Joana, matalik niyang kaibigan. Lalapit na dapat ako para humingi ng tawad uli nang may dumating na isang grupo ng mga lalaki. Si Raul ang lider ng grupo na 'to. Balita ko bully daw si Raul, (Bully? Uso pa pala ang bully sa college. Poor boy, acting like a tough man but ended up crying like a child), mayabang din siya at mahilig mangtrip. Narinig ko lang yan sa mga kaklase kong lalake. Hindi ako chismoso -_-

Ngayong araw, mukhang nasa mood siyang pagtripan si Kim. Nandoon lang ako sa isang sulok, kumakain, mag-isa, tumatanaw, pinapanood ko sila kung paano nila trinatrato si Kim.

"Oy! Alila! Subuan mo ako, gutom na gutom na ako" Rinig ko ang boses niya mula dito. boses maton.

"Ayoko! Pumapasok ako para mag-aral hindi para mautusan, lalo na sa taong gaya mo!"

"Yan ang gusto ko sayo! Matalas ang dila mo. Alam mo bang ganoon din yung akin? Bagay na bagay tayo..." Lumingon ako at nakita kong hinawakan ni Raul si Kim at tinapat sa mukha niya.

"Sinabing ayoko!" Pumipiglas si Kim pero 'di siya maka-alis sa pagkakahawak ni Raul.

"Sumunod ka nalang! Gusto mo gawaan ka namin ng isyu para masira ang pangalan mo sa Dean at ng mawalan ka ng scholarship?" sabat nung kasama nung Raul.

Scholar si Kim? Tss. Naaawa na ako! Bahala na nga!

"Anong problema niyo sa kanya?" Ayoko sa lahat may nakikitang babae na naaapi eh. Tsaka pambawi ko na rin ito kay Kim.

"Bakit may problema ka sa amin?" Tumayo si Raul at tinitigan ako ng masama.

"Kung hindi nakaharang yang mukha mo sa mukha ko, hindi natin malalaman yung problema. Pero dahil hinarang mo na at pinalandakan mo pa sa mukha ko, nakita ko ngang maraming problema ang mukha mo"

"Ang angas nito ah?" Sabay sinuntok ako ni Raul sa mukha. Nabigla ako sa nangyari, malaki pala ang epekto ng sinabi ko sa moralidad niya. Dahil sa bilis ng pangyayari, di ko na naiwasan yung suntok niya. Tinamaan yung labi ko kaya pumutok agad. Pumalag ako at sinuntok ko siya sa tiyan, napaluhod siya sa ginawa ko. Sa bawat suntok na ibabato niya sakin, sinusuklian ko ito ng isa pang suntok. Pero dahil sa isang grupo sila, hindi ako nakakabawi sa bawat suntok na matatanggap ko. Natigil lang yung pag-aaway namin noong namukhaan ako ng isa sa mga kasamahan nila.

"Pare! Siya yung bagong lipat. Mayaman yan at ma-impluwensiya ang tatay niya! Baka ipatumba tayo niyan dahil sa nangyari" Tinulungan niya si Raul at umalis na ang grupo nito.

"Tandaan mo ang araw na 'to! Hindi pa tayo tapos! Magtutuos uli tayo!" Naririnig ko nalang si Raul na sumisigaw.

"Kapag ginulo niyo pa uli si Kim o kahit sinong kaklase ko, malalagot kayo sakin! Hindi lang yan ang matatanggap mo kapag pinakita mo pa sakin ang problemado mong mukha!" Pasigaw akong sumagot sa kanila. Bumalik ang atensyon ko kay Kim.

"Okay ka lang miss?" Hinawakan ko ang labi ko, madaming dugo.

"Okay lang ako, ikaw yung hindi! Dumudugo labi mo at puro pasa katawan mo!" Nakikita kong medyo nagpapanic si Kim.

"Ayos lang yan. Kapag ginulo ka pa nila ulit, sabihin mo lang sakin"

"Bakit mo ba ako tinutulungan?"

"Gusto kong makabawi sa nangyari kahapon. Sorry pala" Ngumiti ako.

"Wala naman sakin yun eh. Napa-away ka pa tuloy"

"Sige, mauuna na ako"

"Wait lang..." Hinawakan niya ako sa kamay.

"Lagyan muna natin yan ng first aid, sumama ka sa akin sa clinic"

"Huwag na, okay lang talaga ako" Naglakad na ako paalis ng humigpit yung hawak niya sa kamay ko.

"Hindi kita papaalisin hangga't di ka sumasama sakin" Hinatak niya ako sa clinic.

Wala akong magawa, ngumiti nalang ako sa sarili ko. Kakaiba ang experience ko sa paaralang ito, unang araw ko, may nasigawan ako. Pangalawang araw, may naka-away ako. Ano kaya meron bukas? Naisip ko nalang na mukhang magiging masaya ako sa paglipat ko dito. Napakarami palang bagay na kahit anong iwas gawin mo, kung nakalaan talaga para sayo, sayo parin mapupunta. Isa sigurong himala na makilala ko 'tong makulit na babaeng 'to.

--End of Chapter--

ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon