First Time

51 4 0
                                    

Kim's POV

Malandi

Malandi

Malandi

" AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH!"

Sinampal sampal ko yung sarili ko. Bakit ba kasi paulit ulit yang salitang yan sa isip ko! Nakakainis! Sa totoo lang hindi ko alam kung dapat ba akong mainis. I know it's my fault kaya ganun ang tingin niya sa akin. Honestly, I was out of control that night. Siguro nadala rim ako sa kasiyahan. Pero mali! Mali! Mali talaga na sabihan niya ako ng ganun. Kahit sana magsorry diba? One week na kaming di nag-uusap! Eh ano naman ha Kim? Are you nuts?

" AAAAAAAAAAAAAHhH" napasigaw na lang ako sabay gulo ng buhok. Ayoko munang mag-isip

" ay anak ng kamatis! Kim! Ano ba?" lumingon saglit si mama sakin saka tumingin ulit sa niluluto niya. Nakalimutan ko andito pala si mama. Feeling siguro niya baliw na ako.

" Sorry Ma. " nagsorry ako ng nakatingin sa sinusulat ko. Andito ako sa kusina ngayon at nag-aaral! Dito na talaga ako nag-aaral. Maliit lang ang bahay namin kaya dito na ang 'study-room' ko. Sa kusina! Pero ngayon di ako makapag-aral ng maayos dahil nga sa paulit-ulit na salitang yan sa isip ko. Tss. Badtrip naman oh. Para siyang sirang plaka.

" Hoy, nak! Kanina ka pa tulala jan ah. May problema ba?" tanong ni mama habang naglalagay ng sahog sa niluluto niya. Ang bango naman. Ginugutom naman ako nitong si mama! Pero ano yung tinanong niya?

" P-problema?" bat naman kaya niya natanong?

" Bat ko natanong? Simple lang. Nakatulala ka jan oh. Muka kang timang! Tapos bigla bigla ka namang sumisigaw. " Tinuro niya ako gamit yung sandok at nakapamewang yung isa niyang kamay. Aba! Mind reader na ba ang aking inay? Nabasa niya ata yung tanong ko eh.

" W-wala po ma! Kung anu-ano naman tinatanong nito!" tsaka siya lumapit at tinignan kung ano yung sinusulat ko.

" Eh nag-aaral ka ba talaga?" Bigla naman niya akong tinanong. Pero di siya nakatingin sa akin kundi sa notebook ko. Ako naman nakatingin sa niluluto niya. Mukang masarap eh. Ang bango bango pa. Haha!

" Kim! Tinatanong kita. Uy nak!" sabay tapik niya sa akin sa braso. Aba ang nanay ko sadista na ah.

" Ma! Oo naman. Ano ka ba!" sagot ko tas tinignan ko siya ng masama. Alangan mag-aaral talaga ako noh! Kung hindi mawawala yung scholarship ko.Paano naman yung kinabukasan namin. Gusto kong umahon sa hirap.

" Asus! Nag-aaral daw. Eh ano yan? Ha? Mga pinagsususulat mo oh. Puro 'malandi' 'malandi'. Ikaw Kim hah. " sabay turo niya sa notebook ko.

" Ma ano bang pinagsasasa--------" tinignan ko naman yung notebook ko at. Hala! Puro malandi nga. Sinara ko kaagad yung notebook ko. Aish naman oh. >.<

" Oh ano? Anak may kaaway ka ba ha? Masama yan ah!" sabay balik niya sa kanyang niluluto. Pero tinatalakan niya parin ako. Eto na naman. Mabait naman si mama eh, talakera lang talaga pagdating sa pangangaral sa amin. Kahit ganyan yan mahal ko naman

" Kim ayoko ng may kaaway ka ah. Masama yan sinasabi ko sayo. At tsaka---" timikman niya muna yung niluluto niya tsaka siya nagsalita ulit. Ako naman itong napalunok. " baka mamaya kung sino yang nakaaway mo at mapano ka pa! Di natin alam." humarap na naman siya sa akin.

" Wala ma! Ang OA naman nito. Gutom na ako di pa ba tayo kakain?" pag-iiba ko ng usapan. Eh kasi naman eh. Iba yung naisulat ko. Imbes na yung nasa libro yung nasa isip ko naman yung naisulat ko. Totoo nga yung sinabi nung teacher namin sa Bio noon, na minsan iba yung sinusulat mo sa kinokopya mo. Mas nakafocus ka kasi sa iniisip mo kaysa sa kinokopya mo kaya yun ang naisusulat mo. Pero bat nga ba ako nakafocus doon sa 'malandi' thing na yun? Psh! -_____-

ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon