Pagkatapos ng nangyari sa cafeteria pumasok na ako sa next subject. Pero windang parin ako. Bakit naman kaya niya sinabi yun? Totoo kaya yun o joke lang. Ah! Baka pinagtritripan lang ako nun.
"That's why I like you"
Napapangiti ako and at the same time napapanganga. Eh ni hindi ko nga crush yung si Karl o kung ano man. Pero bat ganun? Yung malandi kong puso eh nagfafunction na naman. Alam mo yun? May part sa puso ko na napakalandi. Dapat ba akong kiligin? Bakit naman?Ano ba?
"That's why I like you."
Napapangiti na naman ako. Para na siguro akong timang dito. Nagtuturo sa harapan yung teacher namin. Di na ako nakakapagconcentrate sa pakikinig eh. Hay nako naman.
"That's why I like you." ay lechugas naman oh. ^____^ enebe!
"Wuuuuuy!"
"Ay ketchup!" muntikan na akong malaglag sa kinauupuan ko. Ikaw ba naman gulatin eh.
" Okay ka lang teh? Haha!" tanong sa akin ni Aira. Harap siya saakin so nakatalikod siya sa prof.Oo siya yung nanggulat sa akin na akala mo wala ng bukas. Pambihira!
"O-okay lang ako! Ano ba Aira makapang-gulat ka naman eh!" sabi ko habang umaayos ng pagkakaupo ko.
" Eh kasi po para kang tanga jan na pangiti ngiti! Haha!"
"E-eh?" nakakahiya naman!
" Oo! Yung ganito pang ngang ngiti oh" sabay ngumiti siya na para bang ginagaya ako " ^_____^ Ayan! Haha."
" Eh ano bang kailangan mo bat mo ko ginugulat ha?" pag-iiba ko ng usapan. Eh kasi naman nakakahiya nakikita pala niya ako. At teka.... Nasa harapan ko siya ah...
" hoy! Aira, di ka nakikinig ah! Paano mo ako nakitang nakangiti ha? Ikaw talaga."
" Wow ah! Tignan mo to.." sabay turo sa akin "Makasabi ng di nakikinig eh ikaw nga itong nakatulala at pangitingiti. Nagde-daydream ka ata eh! Haha!" pabulong niyang sabi na parang nang-aasar.
"Daydream.. Psh! Eh bakit mo ba ako ginugulat ha? Kailangan mo?" pabulong ko ring sagot. Maiba narin lang yung usapan at para di na mapunta jan sa 'ngiti-ngiti' na yan!
" Nothing! Hihi. Boring ng prof natin eh. Tsaka wala naman siyang pakealam kung may nag-uusap sa klase niya. As you can see kanina pa tayo nag-uusap diba!" tinaas baba pa niya yung kilay niya.
Totoo nga naman. Kanina pa kami nagdadaldalan dito ni di niya kami sinisita. Last subject narin ito. Sana ganito rin yung bakla naming prof ng di kami napalabas kanina. Aish naman. Ayoko nga ng napapalabas eh. Pero siguro okay narin yun para may experience. Atleast pag nagkaanak ako may mga maikwekwento ako sa kanila. SA KANILA? Eh balak ko magkaroon ng isa basketball team. Haha. Pero joke lang. Siguro okay na yung 3. Eh bakit ko ba ito iniisip? Ang bata bata ko pa kaya.
"Hoy! Kayong dalawa. Ang ingay ingay niyo." Nakita ko naman si Anieka na nakatayo sa gitna namin. Aba! Ganun na ba kabait yung prof namin at pinapayagan pati ang pagtayo sa klase at palakad lakad?
" Eh bakit? At ikaw? Ang layo ng pinanggalingan mo ah." tinuro ni Aira yung upuan ni Anieka at yun ay doon pa sa kaduluduluhan ng row namin. Kung baga 5 seats apart from me. Nasa dulo rin kasi kaming apat nila Mina, Joana at Aira. Kung naaalala mo yung arrangement namin sa previous chapter, ganito yan. Joana is on my left side which is yung pinakadulo. Sa harap niya si Mina at sa harap ko ai Aira. So si Nieka ang may ibang mundo.
" Like who would dare to stay long beside that Weird guy over there?" sagot ni Anieka sabay nguso sa may upuan niya. Nagcross-arms naman siya. Sabay naman kami ni Aira na tumingin ulit sa upuan ni Anieka and we saw Earl na parang nanlulumo ang muka.
