Lumipas ang mga araw, akala ko makakahanap uli ako ng bagong experience, pero walang nangyari. Static lang, katulad lang nungg dati yung mga ginagawa ko -- pasok, tanaw, guhit, tulog, uwi. Yung nangyari sa cafeteria ay parang wala lang, nabaon na sa limot. Ang nagbago lang, nakakapag-usap na kami ni Kim at mas nakilala ako sa school. Akala ko illiterate na ako kasi parang palagi nalang ako nakikipag-away pero ang pagkakakilala nila sa akin, knight-in-shining-armor ng mga klasmeyt ko.
Wala namang espesyal sa itsura ni Kim. In my opinion, she's like any other girls in this school. Sinasabi nila na cute at maganda si Kim, "anghel daw", pero para sa akin talaga, normal lang siya.
Nagkakagusto sa kanya yung mga lalaki dito sa school mainly dahil sa heart-warming smile niya. Kapag ngumiti siya, makikita mo ang malalim niyang dimples sa bawat pisngi at may spark na nagsa-shine sa light-brown eyes niya. Kahit hindi marangya ang pamumuhay niya, maayos siya at malinis sa katawan. Maputi siya, wavy ang buhok at simple lang manamit. Simple sa sense na mas prefer niya ang shirt at jeans kaysa sa nakikita kong suot ng karamihan sa mga babae sa school, off-shoulders at high heels. Average ang height niya, hindi siya ganoon kaliit pero hindi rin ganoon katangkaran, mga 5"4. Hindi din siya chubby lalong 'di rin payat, slim kumbaga.
Ang pinakamaganda niyang asset, sa tingin ko, ay yung ugali niya na kinaiinisan ko nung una pero may something dati na pumipigil sa 'kin para i-hate siya totally. Mabait naman siya, matalino, matulungin, at matapang. Hindi siya takot sa mga naninira sa kanya, sa mga taong tulad ni Raul na power-tripper, at sa mga taong insecure sa kanya. Kung hindi dahil sa ugali niya, hindi mangyayari 'tong kwentong 'to.
"Leone, ano ang pangarap mo?" Nagulat ako sa tinanong niya, pinag-isipan ko ng matagal kung ano isasagot ko pero walang pumapasok.
"Ikaw na muna" Give-up ako, kailangan ko marinig yung sa kanya para magkaroon ako ng clue kung ano talaga pangarap ko.
"Gusto kong maging lawyer. Gusto kong ipagtanggol ang mga taong naapi at mga taong kinukundena dahil sa kanyang pinanggalingan" Ramdam ko ang pinaghuhugutan niya ito. Naalala ko tuloy yung na-ikwento niya sa akin about sa family niya (Oo, nakinig na ako sa kwento niya tungkol sa family niya. Kailangan ko ng makinig para makilala ko siya. Alam kong 'di masaya family ko pero inisip ko nalang na wala namang mangyayari sakin kung makikinig ako sa kwento niya). Sabi niya sa 'kin na kahit mahirap lang sila at walang pera, 'di nila kailangan ng mga brilyante at kayamanan na tinatamasa ko ngayon. All they need is to be united. Okay na sa kanila na paghati-hatian ang isang platong kanin, tatlong tuyo, at isang tortang talong para sa kanilang hapunan, basta daw magkakasama sila, mabubusog na sila sa pagmamahal ng bawat isa. Naiingit ako sa pamilya niya, parang gusto ko silang makilala. Kung pwede lang mapunta ako sa kinatatayuan niya ngayon, siguradong hinding-hindi ko na hahanapin yung hinahanap ko. Mahirap kasing maghanap kung hindi mo alam kung ano ang hinahanap mo.
"Ikaw? Anong pangarap mo? Sagutin mo na" Nginitian niya ako. Ang ganda niya nga kapag ngumingiti, she's really an angel, na minsan may kaunting sungay.
Nag-isip pa ako ng kaunti, inisip ko ang mga salitang "pangarap" at "hinahanap". Unang lumabas sa isip ko ang salitang "pamilya". Alam ko na ang isasagot ko...
"Gusto kong makilala ako ng magulang ko. Gusto kong maging proud sila sa 'kin. Higit sa lahat, gusto kong mahalin ako ng magulang ko na higit pa sa pagmamahal nila sa kapatid ko, ang negosyo nila" Naramdaman ata ni Kim na nagiging masyado ng seryoso ang usapan so chineer up niya ako.
"Huwag kang mag-alala, kapag naging lawyer na ako, ikaw ang una kong kliyente. Ipaparamdam ko ang pagmamahal ng isang pamilya" Ngumiti na naman siya. Naiinis ako, kapag pinagpatuloy niya pa ang pagngiti niya, baka mahulog na ako sa kanya.
Buti nalang nakikipag-usap na ako sa kanya, nawala na rin yung pagka-inis ko sa kanya. Binabawi ko na sinasabi ko, she's not normal, she's special . I'm looking forward to know her more. Maybe I'm falling, but, I'm not absolutely sure about it.
--End of Chapter--