Modern Fairytale

82 7 0
                                    

Noong kumpleto na kami nagsipunta na kami sa kanya kanya naming pwesto. Pumunta ako sa may desk ko dahil ang setting namin ay isang classroom. Si Kim naman ay nagpunta sa upuan niya na nasa tabi ko. As usual, mahirap siya, umaasa sa scholarship kaya siya nakakapasok sa university namin. Bakit ngayon ko lang narealize na halos parehas ito sa totoong buhay namin.

"Kim, galit ka ba sakin?" pabulong kong tanong sa kanya.

"shh! Mag-focus ka nga" hindi siya tumingin pero ramdam kong nagtatampo 'tong babaeng to.

Pumasok yung classmate ko at teacher ang role niya, nagpretend kaming nagtuturo siya.

"Riiiiiiiiiiiiiiiing!" Nagring yung bell sabi sa script ko, mabubunggo ko si Kim at magagalit ako sa kanya. Nalaglag yung gamit niya.

"Ano ba?! Napaka-clumsy mo! Ganyan ba talaga kapag naghihirap ang isang tao?" sigaw ko sakanya

"Eh anong problema mo? Ikaw na nga 'tong nagkakamali, ikaw pa 'tong di magsosorry."

Huh?! Teka, wala ito sa script ah? Dapat magsosorry siya sa akin tapos kukunin yung gamit niya. Bakit iba sinasabi niya? Nagbago ba bigla yung script? Kapag sinundan ko yung storyline, magugulo ang lahat. Kailangan kong mag-adlib. Mukhang pinapatamaan niya yung ginawa kong pagbabasa sa diary niya! Aish! >.< Bahala na!

"EH IKAW 'TONG PAKALAT KALAT EH!"

" WOW! Ang kapal naman ng mukha mo! Ikaw 'tong nangengealam sa buhay ng iba, IKAW PA 'TONG NAGAGALIT!"

Nako mukhang lalala itong pag-aaway. Dapat kasi sa script kami sumusunod, mula sa silent type to romantic type dapat si Kim. Hindi war freak to romantic! Magbabago ba siya? Kailangan ko 'tong gawin romantic.

TAMA! Kailangan ako ang magpapaevolve sa story. Ako ang lalaki.

" S-sorry, may p-problema lang sa bahay. Sorry kasi pati problema sa bahay dinadala ko dito." Sinasabi ko iyon habang hawak hawak ang braso niya.

Nakita kong tinaasan niya ako ng kilay at pinanlinsikan ng mata. Tumalikod siya at umalis. Tiningnan ko yung direktor namin. Gusto kong ituloy niya lang yung play. Huwag nyang pigilan at gagawan ko ng paraan. Tinitigan rin ako ng direktor. Seryoso siya pero ngumiti siya bigla.Ngumiti ako tapos biglang balik sa play.

"Scene 2: Cafeteria. Makikta ng lalaki yung babae na kumakain sa caf. mag-isa" sinabi ng direktor. Sige ituloy mo lang, sayo ang setting amin ang adlib. Malaki pasasalamat ko sa kanya.

Lumapit ako sa kanya. Sana malaman niya na sa amin nakasalalay ang play namin. Haaaaay! (┳◇┳)

"Sorry ulit." tumabi ako sa kanya. Tumingin lang siya saakin at dali-daling bumalik sa pagkain.

"Sorry..........."

Hindi siya umiimik.

"Sorry kasi naging mapagmataas ako sayo." (-__-)

Tumayo siya at umalis.

Kim! Bakit mo ba ako pinapahirapan. Pakshet naman oh! Dapat kasi nag-stick kami sa script. Ang hirap naman talga oh!

Nagclose ang curtain. Buti na lang magaling si Karl (director).

"Scene 3: Classroom" sigaw ni Karl

Nag-open yung curtain. Katabi ko si Kim.

"Sorry na, and I mean it! Galit lang talaga ako nun. Pero okay na ngayon."

Tumayo ako at binigay yung rose.

Nakalaan talaga yun para sa Valentine's day sa original script pero wala na rin namang silbi eh. We're not following the script.

ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon