Drunk

47 3 0
                                    

Kim's POV

Wala na! Wala na akong first kiss. Big deal talaga sa akin yun. (〒︿〒)

Hays! Wala na rin akong magagawa. Lumabas na lang kami ng kwarto dahil maglalaro pa daw kami. 8:00 palang naman at walang pasok bukas kaya magpupuyat daw kami. Sa may mga tent na rin kami matutulog. Nagset ang mga boys ng bonfire sa gitna ng mga tent at dun kami umupo sa paligid nito. Ang katabi ko sa kanan ay si Karl sa kaliwa ko naman si Joana. Bale ganito ang posisyon namin.

Karl-Kim-Joana-Aira-Mina-Anieka-Earl-Jano-Sean-Leone

Paikot lang yan. Ano kaya ang lalaruin namin?

" Okay! Maglalaro na tayo. At tutal naman lahat tayo nasa tamang edad na, may mga drinks tayo!" sabi ni Jano na excited. Drinks? Di naman ako nainom eh. Pero okay lang nakatikim narin naman ako mga 3 beses lang. Haha syempre hindi naman ako ganoon kasanto para hindi ko yan maranasan.

" Yes! Masaya to. Pero guys be responsible ah! Baka kasi may lumaki ang tiyan diyan ng di natin alam. Hahahaha.............aray! Babe naman eh!" binatukan lang naman ni Anieka ang boyfriend niyang lokoloko.

" Babe mo muka mo. -_____-"

" So ang game natin ay ganito spin the bottle pero...... DARE LANG! Alam ko common na ito. Pero ganito ang consequence kung hindi mo magagawa ang dare." kinuha ni Jano ang isang pitchel kay Sean. "eto ang pinakamasarap na inumin na matitikman niyo. Hahaha!" saba apir kay Sean.

" hmmm. may Gin yan at pomelo juice. May special jan kasi may toyo lang naman..,,,.," biglang nag 'yuck-dude-so-gross' look kaming lahat. " ..... At may hot sauce para mas intense. Well we'll call it alcohol float kasi may ice cream siya." sabi ni Sean.

" We made this so that you'll do the dare. Alam naman naming di niyo kaya eh. So guys ang dare natin ay ganito, isusulat niyo sa isang papel ang mga dare na naisip niyo. Well atleast 2 dares but separate papers. Tas ilalagay natin sa bunutan. May isa pang bunutan, kung saan naman nandoon ang mga pangalan natin. Dito bubunot kung sino ang gagawan ng dare kung kinakailangan lang naman. Got it?" pagpapaliwanag ni Jano. Tumango kaming lahat. So nagsulat na kami. Nung una di ko alam ang isusulat ko. I'm out of ideas, pero sa huli nakaisip naman ako. Di naman siya mabigat eh. Eto lang yun:

-Halikan mo yung katabi sa kanan mo sa parts kung saan siya may kiliti. At least 3 parts.

- Harlem shake

Yun lang. Tas nilagay na namin ang mga ito sa bunutan.

" Okay guys.. But before we start, ammm alalay?" sabay abot ng kamay ni Jano kay Sean na para bang may hinihingi.

" Yessssss master!" at inabot naman ni Sean ang isang tray na may lamang bote ng alak at 10 shot glasses.

" para san naman yan?" turo ni Karl sa inabot ni Sean kay Jano.

" Bago natin iikot ang bote we'll take a shot ng sabay sabay....." paliwanag ni Jano habang inaabot sa amin isa isa ang shot glass na may laman ng alak. Maliit lang naman ang laman. " so every round we'll drink! Para may lakas ng loob. So simulan na natin. Let's toss!"

Tinaas namin sabay sabay ang mga baso.

" YEAAAAAH! Game na. Woooo. 1----2------3" pagkabilang ni Sean ng 3 sabay sabay namin tinungga yung alak. Grabe nahilo ako dun ah. Pero nawala naman agad. Halata mo namang sanay na tong mga kasama ko. Kasi naman party freaks tong mga ito. Ewan ko lang kay Leone, pero parang sanay narin. Inikot na ni Earl yung bote at saktong tumigil kay Karl.

" Okay Director bunot ka na ng dare." sabay abot ni Sean ng bunutan. Bumunot si Karl at nung nabasa niya bigla siyang nasamid. Bigla naman yung hinablot ni Aira. Siya palang ang model na nakita kong siga!

ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon