Señorito

74 5 5
                                    

From: Gabriella Sy

Hey you moron! How are you? I'll be going to the Philippines. Maybe next week. I have good news! :D

O__O woah! Haha.

Nagulat ako sa text niya but at the same time nakaramdam ako ng saya.

Habang tinitignan ko ang phone ko at ina-unread lahat ng text ng bakulaw na yun,

Beep* Beep*

Nagring ang telephone sa kwarto ko kung saan connected sa phone ng butler namin.

"Señorito, you have a visitor. Her name is Kim Bonifacio."

Aish. I hate it when they call me that way. Nakakainis!

"Pero si Kim? P-paano niya nalaman kung saan ang bahay ko? At bat andito siya? Anong oras na ba?" napaisip ako.Tinignan ko ang orasan sa phone ko!

"Dang! 1:30 pm na?" ganun ba ako kahimbing matulog? At yung alarm clock ko super late nag-alarm. Tsk.

Priness ko ang button ng phone para kausapin ang butler namin.

" Fred, how many times do I have to tell you not to call me Señorito? Just call my by my name!"

ang baduy baduy! Pambata pa. Tch!

"And about that crap! That Kim Bonifacio, please let her in. Tell her to wait!"

Tch! Makaligo na nga. Aga naman niya pumunta dito! Excited?

Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba na ako at pinuntahan siya kung saan sya nag-hihintay!

"Hoy!"

--------------------------------------

Kim's POV

"Hoy!"

" Ay palaka!" nagulat naman ako sa lalaking ito. Bigla biglang sumusulpot.

" Muka kang palaka!" *smirk*

"Woah! Ang sama!" porket gwapo ka? Tch! Antipatiko!

" Bat ka andito? Ang aga pa. At paano mo nalaman kung saan bahay ko? Stalker ka ba?" ang dami naman netong tanong. At ang angas pa ng pag-kakasabi,

" Hinay hinay naman sa pagtatanong. Andito po ako kasi pinapunta ako dito ni Mrs. Lips para ipaalam sayo na di sya makakapunta mamaya. May emergency kasi sa bahay nila. Siya narin nagsabi ng address mo. At wag mo ng tanungin kung paano niya nalaman ang address mo kasi hindi ko rin alam. Tsaka wala rin daw sya ng number mo kaya pinapunta na lang niya ako dito. At woah. ANONG STALKER?"

Ang kapal naman nito! Stalker niya mukha niya.

" Okay!" =__=

Nanlalambot ako. Sa hinaba haba ng sinabi ko yan lang sinagot niya! Ang saya! Bwiset! Halos hingalin ako sa explanation ko eh. Tas okay? Wow naman! Umupo siya sa may mahabang sofa. At in-on ang TV na 10 beses ata ang laki sa tv namin. Grabe ang yaman. Inilibot ko ang mata ko sa bahay nila.

May malaking chandelier sa may sala at ang taas ng kisame nila. Ang lawak ng sala. Hanggang 2nd floor ang bahay nila at ang daming pinto. Ang dami nilang maids. MADAMI TALAGA.Puro mamahalin ang mga gamit. At nasabi ko na ba sa inyo na pagpasok mo palang sa gate nila na pagkandalaki laki ay bubulaga sa inyo ang isang napakalaking fountain at malawak na garden. Pero wala pa doon yung swimming pool. Gaano kaya kalawak yung backyard nila kung andun ang swimming pool? Ang yaman naman nito.

"Kung ililibot mo yang mata mo sa bahay ko mapapagod ka lang?" bigla siyang nagsalita out of the blue.

"A-ah! Hehe. S-sorry!" napayuko na lang ako.

ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon