In This Diary

101 5 7
                                    

Dahil sa business administration ang pinipilit sa'kin ng mga magulang ko na kunin kong course, pinili ko yung course na walang kinalaman sa gusto nila. Napili ko nalang maging lawyer para kahit papaano sa buhay ko, may matagpuan akong "hustisya" dahil hindi makatarungan na ipinili nila ako ng course para lang may magtutuloy ng legacy nila.

At dahil sa pinili kong course ay Law, kailangan kong matutunan ang language, though hindi naman ito major. Yung teacher namin, si Misis Lips, lips kasi hirap siyang magpronounce ng word na may "s" at tila gumugulong yung labi niya kapag pinipilit niyang masabi ito ng maganda, ay ang piling major subject namin na teacher. Gusto lahat sa kanya nasusunod.

One time, nagpa-role play siya sa amin, di ko maimagine na meron pa nun sa college, ang alam ko kasi sa high school lang uso ang role playing. Kailangan daw namin ma-iportray kung paano maipapakita ang wagas na pagmamahal kahit na magka-iba kayo ng estado sa buhay. Tae, narinig ko yung salitang "wagas" na ang meaning na ngayon ay "something exaggerated" imbes na "something pure", pustahan yung exaggerated na meaning yung gagamitin ng mga klasmeyt ko.

Dahil na rin sa estado ng mga buhay namin, ako ang piniling mayaman at si Kim ang sa may-kayang-pamilya. Nung una nagmatigas ako, ayaw ko nga sumali ng role playing pero talagang kailangan eh, pero 'di nagtagal, pumayag na ako. Ayoko um-acting, I never tried it, 'di ko alam kung ano gagawin ko. Pero para narin makuha ang loob ni Misis Lips na medyo mainit ang dugo sa akin, gagalingan ko nalang. Good luck bro!

Binigyan kami ni Misis Lips ng 2 weeks na paghahanda, tingin ko mahaba na yun para sa lahat. In one week, kaya ng magpractice ng may props. At ayun na nga, nagpractice na kami. 'Di ko muna binigay yung kaya kong ibigay sa practice, nasasayangan ako sa energy. Pero nung huling araw nung practice may na-discover ako. Naiwan ni Kim yung notebook niya, kinuha ko muna at na-curious ako, binasa ko..... at diary pala niya ito.

"ELEVENTH DAY OF SCHOOL, 2012"

Dear Diary,

May bago kaming transferee, he's tall, white, and "handsome". Meron siyang dimples sa left cheek niya kapag nagssmile siya. May pagkakulot ang buhok niya at napakaganda ng mga mata niya (I might fall in-love with him with those eyes ;) Shh! Huwag kang maingay ah?) pero may masama ata akong nasabi noong araw na iyon. I was amazed by his sketches and when I talk about my family, nagulat nalang ako ng sinigawan niya ako :'(. After that, pumunta ako sa kaibigan ko kung bakit siya ganoon, dun ko lang nalaman na may problema siya sa pamilya niya. I really need to understand him para maging kaibigan ko siya. Malay mo I could help him about sa family problem niya. That's for now, see you later :)

Love,

Kim Bonifacio

Wow, may kaunting pag-aalala pala 'tong babaeng to sakin. Mukhang magkaka-ayos kami nito.

"TWELFTH DAY OF SCHOOL, 2012"

Dear Diary,

Still, iniisip ko pa rin kung ano problema ni Leone. Nagpunta kami ni Joana sa cafeteria para mapag-usapan siya nang dumating si Raul. Pinagtripan niya ako :(( Wala akong magawa nun, kaya lahat ng iniuutos niya, ginagawa ko. Kailangan ko kasi talaga 'tong scholarship ko, dito lang ako umaasa. Buti nalang, dumating si Leone. Nagulat ako sa ginawa niya, it was the first time in my life na may nagtanggol sa'kin against discrimination. Nakipag-away si Leone para tigilan na ako nila Raul, badly bruised siya so hindi ko siya hinayaang maka-alis. I don't know bakit ko siya hinawakan sa kamay, bakit sa kamay pa? o.O Pwede naman sa braso nalang, I could clearly see in his eyes na nagulat siya sa ginawa ko. Nakakahiya!

Tinanong ko siya kung bakit niya ako ipinagtanggol, sinagot niya na kailangan niyang humingi ng tawad sa pagsigaw niya sakin. Okay lang naman sakin yun eh, kasalanan ko rin kasi nagpaka-feeling close ako sa kanya. Haha :)) Medyo nagkaka-interest na ako sa buhay ni Leone, I'm putting my eyes on him ;)

Love,

Kim Bonifacio

Lagot ako nito kapag nakita niya ako. Tumingin ako sa left, wala, then sa right, mga klasmeyt ko lang pero wala si Kim, mabuti. Isa pang entry, kahit last na. Napapangiti nalang ako sa sarili ko.

"FIFTEENTH DAY OF SCHOOL, 2012"

Dear Diary,

Nothing special on this day. Pero may napansin ako kay Leone, buong araw siyang tahimik at nakatingin lang sa bintana. So pumunta ako doon at nagsimula ng conversation. I asked him kung ano pangarap niya at nung una wala siyang maisagot, ako muna ang sumagot at sinabi ko yung mga pangarap ko sa sarili ko at sa kapwa ko. Nung siya naman, sinabi niya na gusto niyang makilala at ikatuwa siya ng parents niya. Ganun ba talaga ang pagkukulang ng magulang niya para magsalita siya ng ganoon? That's sad for him. I really wanted to help him. Sana magka-ayos na sila ng magulang niya :)) Btw, ang cute niya kanina sa angle na yun, kitang kita yung features ng mukha niya ;)) Huwag kang maingay ah! May gusto...

Nagulat nalang ako ng biglang may humablot sa diary ni Kim. Nung tinignan ko kung sino, si Kim ang kumuha. Lagot ako nito. Kita sa mukha niya ang pagkapula, marahil ay sa hiya or galit or inis, basta halo-halo. Humingi ako ng paumanhin pero umalis siya, nagdadabog. Sayang hindi ko pa natapos, pero I have to make apologies. Sana hindi maka-apekto ang nangyari sa play namin bukas. Kailangan kong magka-ayos kami ngayon na, tsk tsk.

--End of Chapter--

ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon