---
When I feel alone gusto ko nalang sigawan o sumbatan ang taong may gawa kung bakit ko nararamdaman to. Pero gusto ko mang gawin ang sigawan at sumbatan ang taong may gawa ng nararamdaman ko ngayon hindi ko magawa.
Kasi natatakot ako. Takot na takot ako. Baka, sagutin niya ako at hindi ko matanggap ang sagot sa rason niya kung bakit niya nagawa yun.
Nasa harap ako ng bahay ko, tinitignan ko kung gano kalaki ang bahay ko. Natawa naman ako ng mapait ng mapag-tantong malaki nga ang bahay ko pero mag-isa naman ako.
Walang parents na nag-aantay sa bahay sa pag uwi ko galing school. Parents na dapat pinag-sasabihan ko ng problema. Parents na dapat nan-dito at inaalagan o inaasikaso ako kahit na malaki na ako. Parents na mag-tatanong kung kumusta ang araw ko, kung okay lang ba ako.
Pero wala ang mga parents ko. Nasa kanya-kanya nilang pamilya sila, buo. Walang problema at higit sa lahat masaya sila. Fuck! Ang sama ko ba? kung hindi ako masaya sa kanya kanyang pamilyang meron sila ngayon? Hindi ako masaya, nagagalit at nagtatampo ako dahil ako naman ang una nilang pamilya ah? Ako naman ang una nilang naging anak ah? Bakit parang ang dali dali lang sa kanilang baliwalain ako? Higit sa lahat ang dali-dali lang sa kanilang iwan nalang ako?
Gustuhin ko mang hindi magalit sa Daddy ko. Dahil hindi naman siya ang nag cheat sa kanila ni Mommy, hindi ko maiwasang hindi maramdaman 'yon. Dahil halos mag to-two year's palang ang divorced nila may nahanap agad siya na magiging asawa niya. Natawa pa ako ng mapait ng maalala ang naging rason niya.
"Kailangan kung mag-hanap ng asawa dahil kailangan mo ng inang mag gagabay sayo Amelia. "
"Kailangan ng mag-aalaga sayo."
"Kailangan mo ng pagmamahal ng Ina."
Ako daw ang may kailangan nun, pero iniwan niya naman ako dito sa bahay at hindi sinama sa pag-alis niya ng maka hanap na siya. Gusto ko din sabihin sa kanya noon na hindi ko naman kailangan nun. Kung mag aalaga sakin ang inaalala niya andiyan naman sila Nana Sita at ang ibang Maid's. At yung pagmamahal ng Ina ang sinasabi niya? Kahit wala na nun. Pagmamahal ng Daddy ko lang lang sakin okay na yun, wag lang pati siya iwan ako. Pero sa huli iniwan niya pa din ako.
Si Mommy naman umalis siya noon. Sumama kay Tito Julian, ang asawa niya na ngayon. Nag cheat si Mom kay Dad kaya naghiwalay sila. Hanggang ngayon may nararamdaman parin akung pag-kaguilty. Dahil kahit noon pa isa, dalawa, o tatlong beses ko na siyang nahuli at nakita na naglalampungan o naghahalikan sila ni Tito Julian sa harapan ko wala akong magawa. Wala pa akung masiyadong alam nun pero kahit sa murang idad pa lamang alam ko sa sarili ko na pagtataksil ang ginagawa nila kay Dad. Hindi ako nag sumbong sa Daddy ko kung anong mga nakita ko nanahimik lang ako. I don't wanna hurt my Daddy.
Hanggang sa isang gabi umuwi si Daddy sa bahay. Umiiyak siya at yun ang unang beses ko siyang nakitang umiyak ng ganon. Nadudurog ako pag naalala ko kong paano siya umiyak at dahil yun sa Mommy kong cheater. Galit na galit si Daddy sa gabing 'yon, yun pala yung gabing nahuli na niya si Mommy at Tito Julian. Umuwi si Mom noong wala si Dad nasa trabaho. Kinuha lahat ni Mommy ang mga gamit niya at umalis sumama siya kay Tito Julian. Umalis siya ng hindi ako iniisip. I was hurt that time.
After 5 year's noon sa nangyari sa pamilya ko. Bumalik si Mommy nagsorry siya sa'kin nasa third year highschool na ako noon. Tinanggap ko siya sa kabila ng ginawa niya kay Dad. Pero galit parin ako sakanya ng bumalik siya. Hindi naman lahat ng sakit madadaan mo sa isang sorry lang diba? Hindi ibig-sabihin pag-nagsorry kana okay na agad. Hell No! Lahat hinihilom sa matagal na panahon at pinagtratrabahuan na maka bawi.
YOU ARE READING
Things I Never Told You
RomantizmSi Amelia Fern Galves ay halo's nasa kanya na lahat maliban sa pamilyang buo at masaya. Her mother cheated on her father. Amelia always felt guilty about her father. After what happened, her mother runaway kasama ang lalaki nito. After how many year...