CHAPTER 28
Please read! :)))
ü Vote if you liked.
ü Comment if you want.
*****
Ngayong araw na ang pagtatapos ng CEA week at ngayon na rin malalaman kung sino ba ang magiging Mr. And Ms. CEA ngayong taon.
“Yiiiiee! Nice sis, ang ganda mo lalo.” tuwang-tuwang sabi ni Cass kay Alex, tapos na kasi itong maayusan.
“Oo nga Lex, nakakatomboy ka. Hehehe!” biro naman sa kanya ni Cathy. Nasa back stage sila para tignan at kumustahin si Alex.
“Ayyyy nako sis, for sure ikaw mananalo. Ayiiie! Bagay kayo ni Zeke ^______^” tila kinikilig na sabi ni Cassandra.
“Hahaha! Sira ka talaga sis... Tamang gawa ng issue?”
“Oo nga Cass, ang supportive mo ring kaklase, dapat diba si JM pinapanalangin mong manalo instead of Zeke?” natatawang may pagkasarkastikong sabi ni Cathy.
“Eeeh?! Hahahha! Kasi e... Mas bagay naman talaga sila ng bestfriend ko,”
“Ano ka ba Cass, issue ka talaga sa amin ni Ezekiel. Minsan tuloy nagkakailangan na kami.”
“Tama Cass, tsaka wag mo na siya ilink sa kaibigan mo, ako na lang. Haha! May Vince na kasi si Alex e. Diba Lex? Yieeee, maiinlove lalo sa’yo yun si papa Vince.” kiniliti pa ni Cathy sa tagiliran ang kaibigan.
Natahimik naman bigla si Cassandra nang marinig ang pangalan na Vince.
“S-sinong Vince?” tanong nito.
“Sino pa, edi yung soon to be boyfriend ni Alex.”
“Hahaha! Baliw ka rin no Cath?” natatawa si Alex sa panunukso ng kaibigan.
Tila naman nakaramdam ng kaba si Cass pero di niya nalang ito pinansin. Inispi niya na marami namang Vince sa mundo, nagkataon lang siguro na magkapangalan ang taong tinutukoy nila. Naniniwala siyang siya pa rin ang mahal ng Vincent na iniwan niya.
“Ay naku, tara na nga Cass. Kinikilig na si Alex e, tsaka magsisimula na. Mawalan pa tayo ng magandang pwesto.” aya ni Cathy.
“Sige tara na. Goodluck sis ah. Fighting kaya mo yan! ^o^”
“Thank you guys,” nagbeso muna sila bago tuluyang iwan si Alexa.
*****
“Hoy Beltran!” tawag ni Aubrey kay Ashley. Nakaupo na ito ngayon malapit sa harap ng stage kasama ang MEAN girls.
“..nakakainis ka, kanina ka pa pala andito di mo man lang sinabi, Tinatawagan kita di mo sinasagot, di mo man lang ako hinitay.” asar na sabi nito sa kaibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/1296749-288-k844303.jpg)
BINABASA MO ANG
FOREVER is a LIE (ON GOING)
Teen FictionNothing lasts forever. FOREVER is a LIE. All that we have is what's between hello and goodbye. </3