CHAPTER 29
Please read! :)))
ü Vote if you liked.
ü Comment if you want.
*****
Cassandra’s POV
“Vi-Vince...” nanatili lang siyang nakatingin sa’kin. Hahawakan ko sana siya pero umatras siya.
“Vince, let’s talk. Marami akong gustong sabihin sa’yo. Tungkol sa’tin, tungkol sa nakaraan...”
Tinignan ko siya sa mata, kita ko pa rin ang galit sa mga mata niya. Akala ko makikipag-usap na siya sa’kin pero tumalikod na naman siya sa’kin. Hindi na naman niya ako papakinggan katulad ng dati, iniiwasan pa rin niya ako.
“Vince. P-please...” my voice broke, at alam kong malapit na akong umiyak.
“Hayaan mo na ako Cassandra...” nagulat ako sa sinabi niya
“Hindi Vince, makinig ka muna sa’kin.” hinawakan ko ang kamay niya para makaharap siya sa’kin.
“Vince, mahal pa rin kita. Hindi nagbago yun. I really have reasons kung bakit ko ginawa iyon...”
Kinabig niya ang kamay ko kaya napabitaw ako sa kanya, “Nakaraan na iyon, okay na ako. Masaya na ko kasama si Alex. Masaya na kami...”
Bigla akong napaatras sa sinabi niya, muntik ko nang makalimutan. Siya ang Vincent ni Alex. Sobrang... sobrang sakit...
“Sana maging masaya ka para sa’kin at sana makahanap ka ng makakapagpasaya sa’yo...” tumalikod na siya matapos niya iyong sabihin. Naglakad siya palayo sa’kin, ang lakad na pakiramdam ko hindi na talaga siya babalik pa sa’kin...
**flashback**
“NO DAD!” sigaw ko kay daddy, andito ako sa office niya ngayon.
“Whether you like it or not Cassandra, you have to do that. Hindi lang naman para sa company iyon, para na rin sa mommy mo. Pinaghirapan niya ang company natin.”
“Dad, sobrang daming paraan. Please... Wag lang yun... Please dad...” naiyak na ako sa harapan niya habang siya ay nanatili lang na matigas sa desisyon niya.
“Sila lang ang makakasalba sa kumpanya! Kaya sa ayaw mo at sa gusto papakasalan mo ang anak ni Mr. Guzman! And that is final!”
“Pero bakit kelangan ng kasal??? Si Vince... tama! Ang pamilya nila Vince matutulungan tayo! Sa kanila nalang tayo humingi ng tulong...”
![](https://img.wattpad.com/cover/1296749-288-k844303.jpg)
BINABASA MO ANG
FOREVER is a LIE (ON GOING)
Teen FictionNothing lasts forever. FOREVER is a LIE. All that we have is what's between hello and goodbye. </3