CHAPTER 15
Please read! :))) Thanks!
ü Vote if you liked.
ü Comment if you want.
*****
[October 20**]
Halos dalawang linggo na ang nakakaraan mula nang matapos ang Foundation Week, kaya balik na naman sa normal na buhay ang mga estudyante. Malapit na din ang sembreak kaya abala na rin sila sa paghahabol sa mga quiz, paggawa ng projects, pagpapasa ng mga requirements at higit sa lahat pinaghahandaan na rin nila ang nalalapit na final exams.
“Okay class, paghandaan at pag-aralan niyong mabuti yang mga pointers na ibinigay ko. Yan ang nilalaman ng final exam niyo.”
“Yes ma’am.”
“Okay, you can go.”
Lumabas na ang ilan sa mga estudyante, ang iba naman ay nanatili muna sa loob ng classroom. Gaya ni Alexa na nag-ayos muna ng sarili.
“Uyyyy, si Alex nagpapaganda.” asar ni Cathy, isa sa classmate niya.
“Haha! Grabe ka Cath, masama na bang magsuklay?”
“Wushu.. may date ka lang e.”
“Date? Tanghaling tapat? Haha.. baliw ka talaga. May klase pa mamaya diba? Magl-lunch lang kami.”
“Asus. Oo na, dali na kanina pa nag-aantay si Papa Vince sa labas,” tumuro pa ito kay Vince sa labas. Kanino pa ito naghihintay sa tapat ng classroom nila.
“Okay sige. Gotta go. Kita nalang tayo after lunch break.” tumayo na ito at kinuha ang bag niya, dali dali siyang lumabas ng room.
“Hi Vince, sorry kanina ka pa ba?” bati nito kay Vince
Ngumiti ito sa kanya, “No need to say sorry, it’s okay.”
“So, tara na?”
“Sure. San mo gusto? My treat, na-miss kita e.” kinurot niya ng mahina si Alex sa pisngi nito. After kasi nung foundation week bihira lang na magkita ang dalawa. Naging busy kasi si Vince sa laban ng University nila sa basketball.
“Ikaw talaga, tara KFC nalang para malapit. May klase pa kasi ako ng 01:30 e.”
Pinisil ni Vince ang ilong ni Alex, “Gravy lang habol mo dun e,”
Nagpout ito habang hawak ang ilong niya, “Masakit Vince ah, kainis ka.”

BINABASA MO ANG
FOREVER is a LIE (ON GOING)
Teen FictionNothing lasts forever. FOREVER is a LIE. All that we have is what's between hello and goodbye. </3