FIAL #30

283 16 4
                                    

CHAPTER 30

Please read! :)))

ü  Vote if you liked.

ü  Comment if you want.

*****

Alex’s POV

Dalawa lang kami ni Cathy na nagpunta sa cafeteria ngayon, di ko alam kung bakit di pumasok si Cass sa morning subjects namin, nagtetext ako sa kanya pero di naman siya nagrereply. Tinanong ko rin si Ezekiel di rin daw niya alam. ("__.__)

"Cath, ‘di din ba talaga nagrereply sayo?" tanong ko.

"Hindi nga e, tinatawagan ko, ayaw din sagutin."

Napabuntong hininga na lamang ako kasunod ng pagkain ko ng burger. Sa totoo lang kanina pa ko naiilang dito e. Pa’no ba naman kasi ang daming nakakakilala na ako yung nanalong Ms.CEA. Kainis naman, bakit ba kasi nila nilagay sa tarpaulin yung mga mukha namin ni Ezekiel? =___=

"Hi gorgeous, ^_^" nagulat ako ng biglang dumating si Vincent sa may table namin.

"Ayieee, aalis na nga ako..." biro ni Cathy sa amin.

"O? Vince kumain ka na ba? ^_^" tanong ko sa kanya nang makaupo na siya sa tabi ko.

"Busog na ‘ko, nakita na kita e."

"Baliw! -___-"

"Ay nako, bye na nga, sige Alex see yah later *winks*" paalam ni Cathy sabay alis.

"Yan, nailang siguro yun sayo Vincent."

 

"Haha! Hindi nakaramdam lang yun."

 

"Ewan ko sayo... Di nga, kumain ka na?"

"Subuan mo ko..." natawa ako sa kanya dahil ibinuka pa talaga niya ang bibig niya.

"Oh ayan na," pinakagat ko siya sa burger na kinakain ko. Nagkatinginan kami ni Vincent sa mga mata, halos ang lapit na rin namin sa isa't isa, ngumiti siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"You’re really beautiful Alex... ^_^" ngumiti din ako sa kanya at iniwas na ang tingin sa kanya medyo nailang na rin kasi ako.

"...tara na." hinawakan ni Vincent ang kamay ko at inaya na tumayo. Biglang lumakas ang kabog sa dibdib ko, hindi ko alam pero napangiti na rin ako at hinawakan na rin ang kamay niya, pareho namin pinunan ang bawat espasyo sa pagitan ng aming mga daliri.

FOREVER is a LIE (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon