FIAL #25

299 16 1
                                    

CHAPTER 25

Please read! :)))

ü  Vote if you liked.

ü  Comment if you want.

*****

Alex’s POV

“Sis, sayang di tayo makakanood ng laban ng basketball.” sabi ni Cass habang tinitirintas niya ang buhok ko. Ewan ko ba, minsan ginagawa niya akong barbie doll. May pagkakataon pa na tinutukso niya kaming dalawa ni Zeke. =____=

“Mahilig ka pala manuod ng mga ganung game?” tanong ko sa kanya. College week na namin at may laban sa gym ang basketball team ng Engineering at Architecture. For fun lang naman ito, hindi talaga sila tunay na teams. Pero hindi kami makakapanuod dahil may practice kami for pageant.

“Oo naman dati pa. May gusto pa naman makakita sa’yo dun for inspiration... Look at yourself,” iniharap niya sakin ang salamin.

“...magugustuhan ka na lalo niyan ni Zeke. Haha!”

“H-ha?” hindi ko nadinig yung huling sinabi niya dahil pabulong niya itong sinabi

“Wala tara na sa practice ng pageant.” hinila na niya ang kamay ko palabas ng room.

Naglalakad kami papunta sa practice room, pero hindi pa rin siya napapagod kakasalita. Hyper na hyper talaga ‘to lagi. Kaya naman lahat ng estudyante sa CEA friends na niya.

“Sis, wala ka bang balak sagutin yung nanliligaw sa’yo? Alam mo na, kung wala kang balak may irereto nalang ako sa’yong iba. *winks* Pero pwede naman sigurong dalawa ang manliligaw mo no? Para may options ka...”

“Haha! Baliw ka talaga sis. Alam mo kasi may hinihintay akong maramdaman para sa kanya. An extraordinary feeling, na tanging sa kanya ko lang nararamdaman.”

“Oh I see, ganyan din ako dati e. At hanggang ngayon ganun pa rin ako sa kanya.” tila kinikilig na sabi ni Cass

“Yes naman may ganun ka sis ah, sino ba yang ‘special someone’ mo na yan? Matagal mo na yang nababanggit e.” pag-uusisa ko sa kanya

“Well sis, siya lang naman ang first and last love ko. Alam mo ba nagkita kami three weeks ago dito sa school...”

“Oh? Dito din siya nag-aaral?”

“Yep. And galit na galit pa rin siya sa’kin. Mag-eexplain naman ako e. Tch. Pero ayaw niyang makinig. I tried to call him, kahit nung birthday niya pero binabaan niya lang ako.” nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Cass. Ngayong isa na sa malapit kong kaibigan si Cass, ayoko na din siyang nakikitang nasasaktan.

“Why won’t you try to talk to him in personal?”

“Sis, I tried many times. Nagpatulong pa nga ako kay Zeke e. Pero ayaw niya talaga akong kausapin. Sabi niya pa, there’s no more US. Sis, ang sakit. Ang sakit sakit, hearing that from the one you love.” feeling ko anytime tutulo na ang luha niya.

FOREVER is a LIE (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon