CHAPTER 14
Please read! :))) Thanks!
ü Vote if you liked.
ü Comment if you want.
*****
Nasa loob ngayon ng kwarto ni Ashley ang dalawang kaibigan nito na si Alexa at Aubrey, napagdesisyunan kasi nila na bisitahin ang kaibigan dahil hindi na ito bumalik sa kanila kagabi. ‘Di rin nagtext, kaya umuwi sila kagabi nang di man lang nakikita ito.
“Oh, ba’t kayo andito? Gagala tayo?” umupo ito sa kama niya, kagigising lang nito kahit alas dos na ng hapon. Humikab pa ito at humawak sa ulo, mukhang may hangover pa.
Tinignan lang siya ng dalawa niyang kaibigan, “Oy, wag niyo kong tignan lang.” =_= hinampas niya ng unan ang dalawa.
“Gagala ka diyan, pumunta kami dito kasi ipapakita ko sa’yo yung Gangnam Style.” tumayo si Aubrey mula sa pagkakaupo sa kama ni Ashley at nagsimulang sumayaw.
♪♫Eh.. Sexy Lady..
Op op op oppa Gangnam Style.♪♫
Pero seryoso lang siyang tinitignan ng mga kaibigan.
“Tsura mo Aub,” asar ni Ashley
“Last mo na yan te, wag mo nang uulitin.” natatawang sabi naman ni Alex.
“Tseee!” ngumuso lang ito sa kanila at bumalik sa kama’t umupo, ramdam niyang pahiya siya.
“Haha! Ba’t nga kayo andito? Di man lang kayo nagtext.”
“Wow? Kami talaga di nagtext Ash? Kaw nga ‘to diyan e. Di mo na kami binalikan kagabi. Hinanap ka naman namin pero di ka namin nakita.” kunwaring nagtatampo si Alex sa kaibigan.
Yumakap ito sa braso ni Alex, “Hala, sorry. Kasi nahilo ako kagabi, nawalan ata ako ng malay.”
“WHAAAAAAAAAAAAT~~!” nagulat naman sila ng biglang sumigaw si Aubrey, “...Ow em Ash, don’t tell me preggy ka?!” full of emotion pa na tanong nito.
*puk!*
Binato siya ni Ashley ng unan sa mukha, “OA mo te, nahilo lang buntis agad? Bastusan lang? Walang boyfriend pero nabuntis? >_>”
“Malay mo..” sagot nito kaya binato na naman siya ng kaibigan ng unan.
“Aray ah, nakakadalawa ka na.” reklamo nito.
“Gulo niyo. Haha. Anyways Ash, kung nahilo ka kagabi, sino naghatid sa’yo?” tanong ni Alex
“Tsaka ba’t ka ba nahilo huh?” tanong naman ni Aubrey

BINABASA MO ANG
FOREVER is a LIE (ON GOING)
Teen FictionNothing lasts forever. FOREVER is a LIE. All that we have is what's between hello and goodbye. </3