Drea.
“Boyfriend mo?”
Napangiti ako nang tumango ang babae.
Kaharap ko ngayon ay ang masayang magkasintahan.
Isa akong media reporter at ngayon ay araw ng mga puso. I was assigned to interview some couple na posibleng nag d-date ngayon.
Eto na nga, may ilan akong katanungan sa kanila na masaya namang sinagot ng babae.
“Dating for how long?” tanong ko.
Namumulang ngumiti ang babae. “4 years po”
Bahagyang umawang ang bibig ko dahil sa pagkabigla sa sagot n'ya. 4 years is long, mapapasanaol ka nalang talaga.
”Masaya pa ba?” pabiro kong tanong at agad na tumawa sa sinabi.
The girl laughed. “Opo opo, masaya naman po.”
Nakangiting tumango ako. Hindi ko matingnan ang nobyo n'ya dahil titig na titig ito sa akin.
I had few more questions tulad ng kung saan sila nagkakilala at kung paano sya niligawan ng lalaki. All of that was answered by the girl in detailed.
I pity my self for not having a relationship like that. Charot.
Matapos akong magpasalamat ay nangingiting umalis ang babae kasama ang apat na taong boyfriend nya.
Nang makalayo sila ay bahagyang lumingon sa akin ang kanyang nobyo na may pag aalinlangan sa mga mata.
Ngumiti lamang ako rito bago ibinalik ang atensyon sa paghahanap ng iba pang couple.
Bagsak ang balikat na natapos ko ang araw na ‘yon. Maaga rin akong umuwi para may oras pa ako sa pamilya ko.
»
“Ma, andito na ako” sambit ko ng makapasok sa bahay.
Maliliit na yabag ng paa ang narinig ko na papalapit. Then a cute little boy ran towards me.
“Mommy!” sigaw niya pa saka yumakap sa mga hita ko.
“Hello Denden ko, how was your heart's day baby?” tanong ko sa anak.
Yumuko ako para kargahin sya. He is five years old at napaka mama's boy.
Sumiksik sya sa may leeg ko. “Happy po mama kasi Daddy came and he brought me chocolates.” masayang nag kuwento ang anak ko.
Nag pang abot ang kilay ko at saktong lumabas si mama mula sa kusina. She filled my confusion.
“Galing si Dominic kanina. Nakipag bonding sandale sa anak nyo saka umalis.” pahayag ni mama.
Napakagat labi na lamang ako saka bumuntong hininga.
Parang kanina lang ay nakita ko pa silang magkasama ng nobya nya. Hindi ko alam kung paano nya napag kakasyang bigyan ng oras ay anak nya.
At oo, ang tatay ng anak ko ay iyong ininterview ko kanina.
Ibinaba ko si Denden nang tumunog ang cellphone ko. I answered it after 3 rings.
“Hello? Napatawag ka?”
Bumuntong hininga ito at malamig ang boses na sumagot mula sa kabilang linya. “I wanna see you tonight.. please?”
Nagulat ako sa sinabi n'ya at bago paman ako maka pag salita ay agad n'yang ibinaba ang tawag.
A-Ano ra? Bakit gusto n'yang makipag kita? May girlfriend s'ya diba? Apat na taon na nga sila.
Iniisip ko ang nobya n'ya kung makikipag kita man ako sa kanya ngayon. Mukha naman silang masaya kanina. Kaya ano pa ang gusto ng lalaking 'to?
Umabot ng trenta minutos ang pag iisip ko. Kahit napag isip isipan kong huwag nang tumuloy at andito na ako ngayon sa harap nya.
Ayoko mang maging dahilan ng pag aaway nila, pero eto ako ngayon at nasa harapan ni Dominic.
He's my ex. Daddy ni Denden.
Nakatitig lamang ako sa kawalan at hinihintay na magsalita sya.
I will just listen to him, at kapag tapos na syang mag salita ay uuwi na ako.
Dominic suddenly pull my hands and that made me looked at him. Nakatingin na s'ya sa akin na para bang sinisilip nya ang kaluluwa ko.
Saka sya nag salita.
“Mahal parin kita, Drea.”
——\
»»»»»
——/
BINABASA MO ANG
His Silent Agony (COMPLETED)
RomanceNang magkitang muli si Drea at Dom, akala ni Drea nagbago na ang lahat sa kanilang dalawa. Ilang taon na rin kasi mula noong mag break sila at iwan s'yang buntis ni Dom. Ngunit lingid sa kaalaman ni Drea, sa muling pagkikita pa pala nila magbabago a...