Drea.
Maaga akong nagising. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba talaga ako.
Bumaba ako dala dala ang laptop para ipakita kina mama ang video. Huminga muna akong malalim bago sila hinayaang manuod.
Habang hinihintayng matapos ang video ay nag iisip ako. Mabigat ang loob ko dahil hindi ko man lang s'ya pinakinggan nung mga araw na gusto n'ya na akong kausapin.
I didn't give him a chance to explain his side. He asked for my forgiveness but I was blinded by my anger.
"Papaniwalaan mo yan?"
Bumalik ako sa huwisyo matapos magsalita ni papa. He closed the laptop as he directly looked at me.
Oo nga pala. Mas malaki ang galit nya kay Dominic dahil sa mga panahon na inabandona kami nito.
"Pa," sinubukan kong magsalita pero pinangungunahan ako ng takot.
Hinawakan ni mama ang kamay ni papa, so he could calm.
Tumayo lamang si papa at binitbit ang bag nya. Hindi paman sya nakaka labas ay may sinabi sya.
"Imbitahan mo syang dito mag haponan. Ngayon ko lang sya bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag."
Tulala ako at sinusubukang intindihin ang mga sinabi ni papa. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko pero sa sinabi ni papa ay ramdam kong lumambot ang puso nya kay Dom.
Tumingin ako kay mama at niyakap siya. Tahimik lang s'yang umiiyak kanina habang nanunuod sa video ni Dom.
On this time, I know my papa was moved by that video. Ramdam kong may pagkakataon pang mapatawad n'ya kami.
Agad kaming umayos ni mama nang marinig namin ang maliliit na yabag ng paa.
"Mamaaaa good morning! Good morning lolaaa.." masiglang bati ng anak ko.
Agad na pinunasan ni mama ang luha nya at ngumiti kay Denden, "Nagising na ang napaka bait kong apo. Magandang umaga din sayo!" masaya n'yang bati rito.
Binati ko rin ang anak ko at hinalikan sa noo, "Good morning baby. Kumusta ang tulog mo?" masiglang tanong ko.
My son pouted. "Alam nyo po ba my, nagkita kami ni daddy sa dream ko" nagsimulang mag kwento ang anak ko.
Nagkatinginan kami ni mama dahil sa sinabi ni denden. It's obvious that he missed his dad.
Marahan akong bumuntong hininga at hinaplos ang ulo ng anak. Dumiretso kami sa dining table para mag agahan.
Maagang umalis si papa matapos ang usapan kanina kaya tatlo nalang kami ni mama at ni denden na nag aagahan ngayon.
"You should call him nak. May isang salita ang papa mo." sambit ni mama.
Napaisip ako. Kasabay nun ang pangamba dahil paniguradong hindi alam ni Dominic ang nangyayari. Like what his mom said, ayaw na ni Dominic na ipakita sa akin ang video na yun.
It's because magaling na sya. I was his ex girlfriend at alam ko kung gaano ka taas ang pride nya. Ayaw n'yang kinaaawaan sya ng tao.
Ngayon tuloy ay medyo nagugulohan na ako. Natatakot sa mga maaring mangyari.
»
"Ingat po. I love you" kumaway si denden sa akin.
Aalis na naman ako. Ngumiti ako sa kanya at kumaway pabalik bago pumara ng tricycle.
Kailangan ko paring mag hanap ng trabaho, hindi ko iaasa sa magulang ko ang lahat. I have to earn atleast to support my son.
"Dito lang po manong." para ko saka nag bayad at bumaba na.
BINABASA MO ANG
His Silent Agony (COMPLETED)
RomansaNang magkitang muli si Drea at Dom, akala ni Drea nagbago na ang lahat sa kanilang dalawa. Ilang taon na rin kasi mula noong mag break sila at iwan s'yang buntis ni Dom. Ngunit lingid sa kaalaman ni Drea, sa muling pagkikita pa pala nila magbabago a...